ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kung ganyan lang better na kasuhan mo. ikaw ang legal kaya kahit ano mangyari, walang ihahabol yung ka live in lang. kaka sad lang dahil kada sunday pa umaalis. ipa tulfo mo na lang pag ganyan or kung kaya naman ipa walang bisa mo na lang yung kasal niyo.

ikaw na ung legal cmpre ikaw ung pinakasalann may mas karapatan kna dun . dpat pag usapan nyu na hnd pwede ung ganun na uuwi pa sya dun .. suporta nlng sa bata or maybe pwede nmn .. kung bibisita sa bata ay kasama ka .. tutal ikaw ung pinaksalann .

may nangyayari dyan panigurado. kung ako yan iimagine ko asawa ko tas pinagnanasaan pa ibang babae. like gusto mo kulong?. sya na nga nagsinungaling may lakas loob pa syang umuwi sa babae nya. mas malakas ka pagdating sa batas madam.. fight for ur right

try mo Po Ipa annul Yung marriage nyo sis. Kung my means nmn Kayo.. bka pwedeng gawing grounds Yung panloloko Niya n d siya nag Sabi n may anak siya and may ka live in na iba. kuha ka lng Ng evidence.. Ska mas maganda pa Consult n lng Kayo sa lawyer.

TapFluencer

Clarify with your husband mommy, medyo weird nga yun kasi parang 6 days sayo one day sa kanya. Ang hirap ng situation and hindi rin ako maka advise kasi wala ako sa sitwasyon mo at di ko naranasan. I will pray na sana maging ok ang lahat mommy

VIP Member

Haaaaayyy. Kaka stress yan momsh. Mas magastos magpa annull. 😅 Tsk tsk. Syempre may nangyayari pa talaga sa kanilang dalawa. Hindi ako papayag nyan kung ako nasa sitwasyon mo, pwede naman hiramin ang bata bat pa doon matutulog. No no no talaga!!

5y ago

Super stress na talaga ako momsh. Since nalaman ko kahit magpaalam syang pupunta lang ng trabaho iba na nasa isip ko, nakakaparanoid. Kahit ayaw ko syang papuntahin dun di talaga sya nagpapapigil.

I assert mo ung right mo bilang asawa. Ipaintindi mo sa kanya ung bigat ng ginawa nyang panloloko kasi nagtago siya sa iyo ng isang napaka bigat na bagay. Na file nyo na ba ung marriage certificate sa munisipyo? Baka pede pang ma void un

Maghiwalay na kayo. Dapat kung ganyan pinapasyal lang nya yung anak nya pupunta sa mall ganun bonding. Parang dalawa na kayong asawa nyan. Dapat talaga bago magpakasal kilalang kilala mo na yung tao pero galing mag tago ng asawa mo

ang maganda set the rules tutal ikaw nmn ang legal na asawa. kung gusto nya makabonding yun anak nya yung time na pagpunta sana doon sa anak nya kunin nlng nya at dyan sila magbonding sa bahay nyo wag yung sya pa ang dadayo.

Kausapin nyo nlng pu ate asawa nyo .. Na kpng pwd wag na pu sya matutulog dun sa naanakan nya .. Ikaw na pu ang legal wife ,dpat sustinto lng ung asawa mu sa anak at dalaw .. Hndi ung dun pa matutulog .. Naku d pwd un ..