nakakaguilty

Mga momsh alam ko maling mali ako sa ginawa ko sa hubby ko. Nag away kasi kami mainit na po kasi ulo ko nun sumabay pa mens ko tapos sinabayan pa ng nanay nya na chismosa nagtanong ako kay hubby if mag aaral sya kasi kung mag aaral sya mag stay kami dito sa kanila if hindi bubukod kami.parang nagalit sya sa sagot nya tapos sabi ko magpapalit ako bedsheet kasi may kagat ng langgam anak namin "sabi nya araw araw nalang nagpapalit" Kaya parang nagpintig tenga ko nagalit ako sa kanya tapos binalibag pa nya laruan ng baby ko tapos sumigaw sya ang arte arte ko daw. Sabi ko lang naman po. Papalitan ko kasi may kagat ng langgam anak mo! Dun na po nagstart nagkasagutan na ng hindi maganda hanggang sa nabugbug ko sya after nun lumabas muna ko kasi hindi kami matatapos mag away habang nasa loob kami ng kwarto after nun bumalik ako nakita ko sya iyak ng iyak nung nakita nya ko sabi nya" gusto kitang saktan pero hindi ko magawa kasi mahal kita!" Dun na ko nagstart maguilty. Pero after an hour nagsorry ako sa knya nakita ko rin mga sugat nya pinatawad naman po nya ako kaso gusto ko parin bumawi sa kanya lalo na fathers day.. Ano po ba magandang gawin na gimik para makabawi kay hubby??

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

as much as possible walang sakitan between you and your husband. kahit anung inis nyu. kme ng hubby ko tuwng mgaway tahimik or mgtnginan ng masama sa isa't isa πŸ˜‚ walang pansinan ganun. I guess talk about it kn preho ng malamig un utak nyu preho kc gnun kme ni hubby.

Kapag ganyang maliit n bagay Lang ang nauuwi na sa matinding away, meaning may pinanggalingan Nyan n mas malaking problema o Hindi pagkakaintindihan n Hindi nyo nasolved. I lived with my MIL for 8 years. Nung nagbukod kami, mas naging maayos pagsasama namin.

Pagluto mo siya or itreat mo siya this coming father's day. Date kayong dalawa. Para marelease ang stress niyong dalawa . Pero before that, pag usapan niyo muna ang mga bagay na hindi niyo napagkasunduan. Para may closure sa issue..

Kame. Nag aaway dn kame ng asawa ko nabubugbog ko sya palagi kase di sya lumalaban skn kaya sguro inaabuso ko sya hahaha. Alam ko mali pero nasanay nako na every mag away kame meron talaga akong mssktan sknya🀣 dunno how to handle it😏

5y ago

Wag naman sanaπŸ˜‚

VIP Member

..kami ng hubby q pag may kunting away at may sagutan tumatahimik na q agad kasi naiinis n aq at d na kami na iimikan pagkatapos minsan xa nauuna yayakap sakin para magbati na kami minsan aq naman...

Kami ni hubby pag nag aaway kami tahimik lang. Maya maya bati na. Kung pareho kasing mataas ang pride nyo hindi talaga kayo magkakasundo. Pag galit ang isa wag na sumabay pa.

4y ago

Same here po sis. Minsan tinatawanan na lang namin, sinasabi na lang niya para daw kaming baliw. Hahaha

hindi po maganda ang pananakit sa asawa... very wrong ka dun sis pero nagsisi kana man na bawi knalang siguro and wag mo nalang ulitin ung pananakit physically...

masyado po mababaw para mauwi sa pisikal n away. better n mgspend kayo time together to chill out at maiba ambiance, baka stress lang

Magsimba kayo momsh. Tapos after sa simbahan kain kayo sa labas 😊

Maghanda kana. Magsasawa sayo yang asawa mo. Trust me.