aalis or mag stay?

Mga momsh advice naman po plsss. Dito kami nakatira sa parents ni hubby mag 3 years na kami dito hindi pa daw kasi namin kaya bumukod sabi ni hubby. Working student sya dati pero nag stop sya dahil nashort sa budget tapos sabi nya ipagpapatuloy nya daw ang pag aaral tapos nag aral sya stop nanaman. Sabi ko sa kanya dati kung ayaw nya na mag aral hanap na sya ng ibang work na malaki laki sahod tutal 4th year na sya kaso ayaw nya humanap nag stay parin sya sa work nya kasi mag aaral pa namn daw sya. Sa nakikita ko po kasi tinatamad na sya pumasok dahil nung nag aral sya ulit palagi jya sinusumbat sakin na ako lang naman may gusto na mag aral sya. Ngayon sabi ko sa kanya ano na plano nya. Sabi nya po sakin DIBA NGA MAG AARAL AKO ! Minsan kapag napag uusapan namin yung word na bubukod sasabihin nya wala na daw ako ibang inisip kundi bumukod. Sa totoo lang po napakahirap dito sa kanila dugyot kaya yung dating umaga hapon ako naglilinis ngayon tinatamad na ko dati palagi ako nagluluto ngayon hindi na kasi palagi nalang pinipintasan luto ko saka minsan hindi nila kinakain pero kpag hindi naman ako nagluluto tamad daw ako. Hindi ko naman po masabi hindi masarap luto ko kasi sa probinsya namin kapag may handaan isa ako sa tinatawag dun ng mga pinsan at tita ko para magluto sa bahay namin ako naka toka magluto kapag wala si mama ko. Nakakainis po kasi nakakuha sila instant yaya tapos mamili ka lang sasabihin bakit hindi sila kasama eh pinamili ko lang naman po mga pang baon ni lo sa school tapos gatas. Kapag naglagay ako sa ref wala na po sila lang kakain at iinom ng pang baon.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel na he's still a bit immature and unprepared sa responsibilities nya as a father and as a husband sayo. We have almost the same situation. Yung bf ko working student din, fortunately just this month natapos na nya yung 4 years nya so 1 year left nalang to finish eng'g and this year we're already expecting our first baby. Set-up namin? Ganyan din, gusto nya mag full time muna sa work para makaipon tapos tsaka nya tatapusin yung pang last year nya sa studies - though ayoko ng plan nya at first, naisip kong it's better if magtitiwala ako sa mga plans nya for himself and for us kasi I know na hardworking na tao talaga sya. Wala rin kaming malaking ipon and some of it pa nga mapupunta sa renovation ng bahay na pagtitirahan namin kasi eager din sya that we'll live separately kasi una palang sinabi ko na sa kanyang ayokong makitira kasi alam kong mahirap makisama. What I'm trying to make you realize sis is that, if the guy has an ambition for you and for the fam that he is raising, he'll man up and he'll work harder no matter how unprepared and unplanned the situation is. Communicate with him sis, make him feel na you're at his side and that you're helping him in your own ways. Tapos alis kana rin dyan if hindi pa rin maging okay lahat. Believe in "LEAVE AND CLEAVE". Mahirap mag solo pero iba yung peace of mind sis kapag nakatayo kayo sa sarili nyong paa. Walang pangingielam mula sa ibang tao also makikita yung partnership nyong mag asawa.

Magbasa pa