Breastfeeding

Hi mga momsh, 1week na si baby at formula yung dinedede nya. Sa bottle kasi sya kaagad napadede nung nasa hospital kami. Gusto ko talaga magpabreastfeed kayalang ni hindi tumitigas yung boobs ko. Ano po tingin nyo makakagatas pa po ba ko?nalulungkot po ako ni ayaw nya na isubo ang nipple ko ?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakarelate ako.. ganyan din si baby.. since mababa blood sugar niya pagkapanganak kelangan siya padedehin agad kaya nakabottle feed siya.. 2days lng un pero di na siya nadodo sakin.. ung gatas ko patak lng.. feeling ko may nakuha naman siya sakin pero wala pang 1oz un tpos nagwawala talaga siya pag pinapa breast feed.. nagawa ko na magpump every 2hours, magnatalac 3x a day, humigop ng sabaw, uminom ng madaming tubig wala pa din tlaga.. gang sa kinailangan ko na bumalik ng oral meds para diabetes :( gusto ko nga i try ung sinasabing nilang relactation pero kelangan ko pa muna magconsult sa endocrinologist ulit kasi out of control na naman sugar ko.. feeling ko failure ako as nanay.. iniisip ko na lang ngayon na pinagbigyan naku ni Lord magkababy pero di ko makukuha lahat gaya ng pagpapabreastfeed, nakakalungkot lng...

Magbasa pa
5y ago

Ou nga sis. Parehas tayo patak lang din ang nakukuha ko. Nakakalungkot lang. Nagtatry pa din ako nung mga sa nababasa ko. Pero parang wala pa din.

Bakit po dpo kagad kayo nagba BF? Choice nyo po if nagpapabf kau k hndi kasi anak nyo po yan.. Sana sinabi nyo un s hospital n pinaganakan nyo at mas masustansya ang makukuha ng baby nyo s bf mo mamsh. Hndi reason ung wala kang gatas at di natigas boobs mo natural lang un unlilatch ang sagot jan mamsh, more sabaw at malunggay. enough n ung gatas s dede mo para madede n baby kasi maliit pa sya.. So tyaga lang dadami ang supply pag dumami ang demand nya. Kaya back to bf ka mamsh specially 1week plang yan baby mo magandang bonding din mas magiging close kayo n baby :)

Magbasa pa