Laba

Mga moms, naglalaba pa rin ba kayo kahit malapit na kayo manganak? Ako 35weeks na naglalaba pa rin ako ng mga damit ko, washing machine naman gamit ko, nahihiya kasi akong magpalaba sa biyenan ko kahit ayaw nila akong maglaba, kaya naglalaba ako pag wala sila.. hehe.. natatakot lang ako sa akyat baba sa hagdanan, sa taas kasi naman ang sampayan..?

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes..gang sa bago manganak tlaga..handwash pako non sa ibang damit..pero now sa 3rd pregnancy ko, ndi nko mkpaglaba..hirap kse ako kumilos naun, konting galaw pagod na agad..pati uso na mgpalaundry kaya lagi na kme ganun..si hubby nalang ang nglalaba ng mga undies nmin at ng mga bata..

sana lahat ng biyenan ganyan, may paki yung biyenan ko, walang pake gusto pa gumalaw galaw ako, galaw2 daw para di mahirapan manganak, josko ansakit na ng balakang at paa no pakel pa din. bawal pumetiks tatamarin daw si baby mahihirapan ako manganak, ni konting tulong wala.

okay lang yan sis. nung ako rin kahit kabuwanan ko na nag lalaba pa ako ng damit namin mag asawa eh tapos de kusot pa kasi dun kami tumuloy at inabutan ng lockdown sa bago nilang bahay so walang gamit masyado tapos ang sampayan nasa 3rd floor pa 😅

yes 😊38 weeks pero nag lalaba parin ako. Handwash pa ako kasi sira yung washing namin dryer lang gumagana. Pero pag nag lalaba ako nakatayo. Keep safe momshie 😊. Ingat ingat lang sa hagdanan.

Ako hindi. Maganda rin kasi may teenager na ako at nakaautomatic washing din so minsan tagasampay, madalas hayahay🤭😆 Be extra careful na lang po momsh kung no choice talaga😊

okey lang po basta yung kaya mo lang labhan, ako palage ako naglalaba, ayaw kc maglaba ng asawa ko, pagod kc sa trabaho pagkauwe na. minsan nagpapatulong din naman.

okay lang naman po maglaba. handwash pa nga minsan. kapag wala yung asawa doon ako palihim na naglalaba kasi nakakaburyong yung walang ginagawa 😅😅😅😅😅

Ako po never na naglaba simula nabuntis.. Kasi pasukin ako ng lamig kaya si hubby lagi naglalaba kahit pagod sa work.. may washing naman kaya di masyado hirap..

ok lang sis basta kaya mo at hindi ka maselan magbuntis .. exercise mo na rin sa akyat baba mo ng hagdan , hinay hinay lang sa pagbubuhat mo ng mga labahan mo .

VIP Member

ako naman po naglalaba ako pero 2-5 piraso lang sabi ng asawa ko ...pero ayaw niya na talaga akong maglaba kahit pagod siya sa work naglalaba siya