Older si husband by 7yrs sakin. Currently 5yrs+ married. Going stronger hehe. Sa lahat ng naging boyfriend ko noon, sya lang talaga kasi yung nakasundo ko. Mature na kasi sya mag-isip and kumbaga napagdaanan na nya mga pinagdadaanan ko sa buhay ko nung bago naging kami kaya naintindihan nya ko nang sobra. Mula sa depression ko nun hanggang sa career dilemma ko, family problems, etc. Lahat nagets nya and he never made me feel alone. He helped me carry the weight of my problems without making sumbat.
I guess wala sya sa age talaga. More on sa level of maturity nyong mag-asawa kaya tatagal at titibay samahan nyo. Bestfriend ko kase 7yrs din age gap nila ng partner nya pero ayun, di sila ok kasi childish pa partner nya despite being in his mid-30s. Sobrang layo sa ugali ng husband ko na ka-edad nya.
Magbasa pa