umiiyak ako sa sama ng loob

mga moms 36weeks nko sinaktan at kung ano ano sinasabi sakin na panunumbat dapat mamatay na daw ako palamuti lang naman daw ako may 2yrs old baby girl pa po ako lahat lahat naman ginagawa ko halos katulong na nga ako ung binibigay para sa anak ko sinusuklian ko naman ng pag lilinis ng buong bahay, pag lalaba, pag luluto habang nag aalaga ng bata habang ung tatay ng anak ko nag iinom nag ccp at pag lasing ayan na naman sya babanatan ako at kung ano ano sa paulit ulit nyang mga sinasabi sakin umiiyak nalang ako bigla sobrang bigat ng nararamdaman ko di ko magawang umalis kasi dto masaya ung anak ko at wala naman akong buhay maibibigay sa anak ko dahil wala akong kamag anak dto na malalapitan kaya paulit ulit nalang ginagawa sakin un malaki kasi utang na loob ko sa pamilya nya sobrang tanga nako wag nyo naman po sana husgahan sana pakinggan nyo ko kayo at palakasin pa loob ko ????

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, 2 years old palang anak mo. Kung ako sayo umuwi nalang kayo sa side mo. Kahit na anong utang na loob pa yan. Kung sinasaktan ka ng partner mo or binubugbog ka, pamedico legal ka always, para pag umalis kayo, wala siyang maipangbabanta sayo. Kagaya nga ng sinabi ko, 2 years old palang anak mo sis. Wag mo hayaang lumaki sa ganyang environment anak mo. Kasi pag nagkaisip anak mo pati siya matrautrauma. It's either maadopt niya ugali ng tatay niya or matratrauma siya. Not good environment for a child. And kung aalis po kayo, much better ngayon na hindi pa pala tanong ang bata at below 7 years of age pa, para walang laban sa custody ang tatay.

Magbasa pa