Praying for my Baby Heartbeat ππΌππΌ
Hi Mga Mommy tanong ko lang sobrang stress at praning ko na talaga. Palagi na ako umiiyak feeling ko nararamdaman din ng Baby ko. ππ Marami nag sasabi sakin na pag nabuntis ka wag sasabihin sa Kakilala or sa Family mo na buntis ka. Kase mauudlot daw at mawawala πππΌ For me kase isa sila sa mga nag dasal para makag kababy kami ng asawa ko so, kasama sila sa journey ng baby ko. Lalo na sila yung mga taong nag mamahal samin. March 22-26 ang last menstruation ko. May 05,2022 Nag desisyon na ako na mag papaalaga na ako sa Ob kase baka may problem na sa obarya ko. Nag try ako mag PT May 6, 2022 ng 6:30am. Nag positive pero malabo katulad ng last year kaya naiiyak ako kase kung ibibigay talaga ni Lord ibibigay na nya samin. May 6 same day na nag PT ako schedule ko for transV. Yes ππΌππΌ may nakitang Baby skin result at 5weeks and 1day na sya. So dahil wala Yolk sac at HB. Pinababalik ulit ako ng Ob ko ng 2week for another TransV at mga Lab test sa Blood at urine ko. May 19 yes 2weeks nasa 7weeks na si baby sa tummy ko sempre ang susundin kung count yung sa TransV result. Kinakabahan ako ulit pag pasok ko. Habang sinisimulan ng Radiologist ang pag transv skin wala syang makita heartbeat πππΌ Naiyak ako sobra pero sabi nya may Lumaki daw si Baby at my yolk sac na din sya. Never ako dinugo or any color ng bleeding. Lahat ng result ko sa Urine sa Blood sa lahat normal. Thank you Lord. Kaso yung Hb ni Baby is wala so naging result dahil may Embryo at sac. 6week and 2days na ako pregnant dahil baka daw maaga yung pag transv ko at nag kamali sa pag count. Though alam ko naman tlaga kase nga gumagamit ako ng flo since last year at doon ako nag babase. May 24, bumalik ako sa Ob sabi good daw yun mga result ko. Pero yung sa heartbeat ni Baby sya nagulat dahil wala. Sabi ng Ob ko iready ko daw ang sarili ko wag daw ako mag pakastress. Dahil dapat may nakita na daw na HB si baby hanggang sa umiyak na ako. πππΌ Sabi nya recommend nya ulit ako for the last time ng Transv after 2weeks if walang makita HB ni Baby. Iemergency raspa nya ako. πππ Lalo na ako umiiyak pero sabi ng Ob ko wag ko daw msyado isipin pero sempre di ko naman maiiwasan yun diba. Lalo na sabi ng mga kakilala ko dapat may pintig ka daw nanaramdam sa Tummy mo na parang pintig. Kaso wala talaga ako na raramdaman. Pero may mga sintomas ako ng pag bubuntis. Naduduwal, tirediness, sumasakit ang breast, craving and bloated. At lalong walang bleeding. Gusto ko lang ishare sa inyo. At humihingi ng Panalangin sa bawat isang makakabasa nito. Isama nyo kami ng Baby ko na nawa mag ka HB sya at ingat kami ng Panginoon. Di ko kayo kila at di nyo rin ako kila. Pero matagal na akong silent reader dito. Na nawa ipag pray nyo kami ng baby ko. Maraming salamat Lalo higit sa Panginoon dahil sya nakaalam ng Plano nya sa aming Pamilya at sa aking Baby. #prayformybaby #firstbaby #firsttimemom #answeredprayer #jesusIsTheGreatestPhysician #ThankYouLordforthegiftofchildren #Jeremiah29/11 #Isaiah1/27 #7weekspreganant
Hoping for a child 1st time mom