kasal

Mga mommy tama lang ba ung desisyon ko na wag mag pakasal sa taong naka buntis sakin? Actually bf ko sya pero ayoko mag pakasal sknya, kasi nahuli ko sya na niloloko nya ko. Tinanong ko sya noon kung niloloko nya ko kasi may kutob ako nung mga march pa un mga momsh e sinabi ko sknya na buntis ako march din, kaya ayun ngayon nalaman ko na totoo pala ung kutob ko na niloloko nya ko gusto nya pa ligawan ung girl, mga mommy tama lang ba ung desisyon ko? Gusto kasi ng parents ko na ikasal kami. :( E ayoko naman, kasi iniisip ko ung future ko, na pano kaya kung ikasal kami tas manloko uli sya mag aaway lang kami nang mag aaway :(.

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sakin sis pareho tayo ng side. Gusto din ako ipakasal ng parents ko sa nakabuntis sakin pero ayoko. Ayoko kasi dumating ung time na isusumbat nya sakin na kaya nya lang ako pinakasalan dahil sa magulang ko. Mas okay na wag mo na ipilit muna sis. Pwedeng magbago un bf mo pag nakita na nya si baby niyo. Pero kung di naman, well at least natuto tayo at di na natin nadagdagan un gulo dahil nakasal pa.

Magbasa pa
6y ago

Yes sis. Alam ko mahirap para sa parents natin un para maintindihan nila. Pero explain mo lang. Eventually marirealize din nila un. Un parents ko di na nila ko pinilit. Nun una di nila maintindihan pero inexplain ko un point ko at ayun. Hehe