Baby’s head

Mga mommy, my napapanood po ako yung head ng baby pag labas parang pahaba. Pag di daw po agad na ilabas or nabitin. Paano po maiwasan yun? Babalik pa po ba sa normal un head ng baby? Salamat po!

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa first born ko mi, since first time mom din ako nun, walang nagsabi sa akin paano umire ng tama huhu. So akala ko tulad sa movies na sisigaw, then sinabihan ako ‘wag daw. Tahimik lang daw. Dapat parang tumatae ka lang daw ng tubol, ganern huhu. Medyo natagalan din ako sa pag ire kasi wala na akong energy sa contractions/labor ko palang before manganak. Ayun, medyo pahaba slight ulo ng anak ko nun. Pero kinalunan, umokay rin naman. 3 years old na siya ngayon, and okay naman na shape ng ulo niya.

Magbasa pa

nasa pag ire mii pra maiwasan, pg nag contract ang tyan hinga k malalim tska ka umire na prang tumatae, dapat hndi kdin maingay pg nag ire k pra ung pwersa nsa baba.. tska pg first contract ng tyan mo khit wala kpa s delivery room umire kna pra bumaba agd si baby. sakin mga 15 minutes lng lumabas na agd baby ko.. lakasan modin loob mo Mii and pray lng po🙏🙏

Magbasa pa

yes po babalik... alaga lang po ay pag -himas pabilog sa ulo... 👍... yung anak ko nong pinanganak may isang malaking bukol sa ulo kasi na mwerta daw e... tuwing umaga habang nasa init kame binibilog ko ulo... ilang araw lang wooolaaaa... sabi nila perfect daw ang keps ko kasi bilog na bilog ang ulo ng baby ko hahaha.. di nila alam alagang himas lang yarn..

Magbasa pa

Naka dipende sa pag ire mo mi. Yung baby ko lagi napag kakamalan CS ako kasi bilog na bilog yung ulo niya. Nung sinabi kasi sakin ng doctor na mahabang ire bumilang sila 1-10 seconds, ayun naire din ako ng mahaba hanggang sa lumabas ung ulo.. Akala ko malalagutan ako ng hininga pero di pala hehe. Lakasan lang ng loob mi. Goodluck.

Magbasa pa

Para maiwasan mi, galingan sa pag ire hehe. Parang nagpupoops ka daw ng matigas na dapat tahimik, unlike sa mga teleserye na forda sigaw sila. Unfortunately, as a FTM di ako aware so nabitin si baby sa pag ire ko, lumabas syang parang bumbilya ang ulo hahaha. Bumalik naman sa normal, bilog na ulo nya

Magbasa pa
TapFluencer

according po sa ob ko. kailangan mo matuto ng tamang pag ire para maiwasan ang ganun. Hintayin ang signal nya kung kailan iire at wag basta iire. Minsan daw kasi na short na tayo sa pag hinga kaya naiipit si baby. Mas mabuti na sundin natin si ob pag sabi ire. wag u ire ng di pa nya sinasabi.

Dpende sa magiging ire mo yan mommy. Kung matatagalan at paulit ulit mo syang iire pero di pa rin lalabas, most probably ganun ang mangyayari, hahaba yung ulo nya. Babalik rin naman eventually habang lumalaki si baby. Bonnet at haplos lang lagi sa ulo

pahaba po yung ulo ng lo ko nung nilabas, nahirapan kasi akong ilabas siya kaya humaba. 1 month pa lang siya before and di naman na po pahaba yung ulo niya, bumilog din agad. currently 3 months si lo

Galingan mo sa pag ire. May mga videos ata nun sa youtube. Basta pag iire ka, para kang nagpo poop ng malaking tubol and tikom ang bibig. Preserve ka din ng lakas para sa pag ire, wag masyado magpakapagod sa pagpapatagtag.

need mong gawin sikapin mo pong iire para lumabas siya kaagad, and kung humaba man ang ulo hilot lang every morning himasin mo lang po lagi ulo niya ganon sa 2nd born ko paglabas ang haba ng ulo pero ngayon super bilog