Kasabihan ng matatanda
Mga mommy naniniwala po ba kayo sa mga ksabihan? Ako po selectively namimili lang. Last weekend galing po kami sa bahay ng kamag-anak namin. Normally si lo dresto tulog nya during 9pm to 9am. As in gigising lang para dumede tapos tutulog na on her own. Dahil ginabi na kami, dun na kami natulog, si lo kawawa kasi hindi makatulog, lahat na ginawa namin pero ayaw nya talaga tumahan. Inabot na kami ng past 3AM papahinga or iidlip lanv ng 30 minutes tapos iiyak na naman. Hindi ko sure kung namamahay ba or what. Pero sina tita ko naisip nila baka dinalaw daw si lo ng tito ko (passed away lot of years ago) so nagsaboy sila ng bigas with salt and eventually kumalma nga si lo. Lumipat kami sa kwarto ng tita ko after that tapos biglang tumatwa si baby habang nakatingin sa ceiling which is normally hindi nya ginagawa. May pagkamasungit kasi si baby. After that, nagsaboy na din ng bigas with asin sa kwarto, as in instantly, nakatulog na si baby. May mga bagay talaga na di maipaliwanag pero nakakatulong. 4 to 4:30 am finally nakatulog na din sya ng mahimbing. Your thoughts mga mommies? #folklore #kasabihanngmatatanda #Kasabihan
Mother of 2