Telle Domingo profile icon
SilverSilver

Telle Domingo, Philippines

Contributor

About Telle Domingo

Mother of 2

My Orders
Posts(2)
Replies(5)
Articles(0)
VIP Member
Hi. Hindi po ako naniniwala sa kasabihan at sa mga pamahiin. If I'm not mistaken in general belief may concept kayo ng angel sa kanan (taga bulong mabubuting gawa) at demonyo sa kaliwa (taga bulong ng masasamang gawa) Sa aming muslim may ganon din, ang kaibahan lang parehong angel ang nasa kaliwa at kanan, taga lista ng mga mabubuting gawa ang nasa kanan at ang nasa kaliwa taga lista nga masamang gawa. Ang tawag namin sa demonyong taga bulong ng masasamang gawain ay jinn. Sa paniniwalang Islam, ang lahat ng tao ay may mga angel at jinn na kasama. Ang gawain ng jinn ay mambulong lang ng mga gawaing masasama, kumbaga uudyukan ka gumawa ng masama, at kahit gumagawa ka ng mabuti. (Example ng Maliit na masamang gawain. Tutulong ka sa mahirap, bubulungan ka ng jinn na i-picture at ipost for fame) Sa bawat tao na maipanganak, kasabay nito yung jinn na sasama sakaniya habang buhay. Kapag namatay yung tao hindi ibig sabihin mamatay na rin yung jinn, magkaiba ng lifespan ang jinn at tao. Sa paniniwala ng Islam, ang kaluluwa ng tao ay kasama na sa libingan niya at hindi na pwedeng umalis, mamasyal, gumala-gala ang kaluluwa, doon na siya hanggang sa judgement day. So ano ang ginagawa ng jinn na kasabay ng taong na naipanganak? Sila ngayon ay MAS malaya nang gawin kung ano gusto nilang gawin. Like tumira sa mga abandunadong lugar or haunted house, or manirahan kasama ng tao like sa cr, sa puno na malapit, etc. May kakayahan din ang jinn manggaya, like aso or ahas at kaya nilang gayahin ang mukha ng taong yumao na. At sila yung "magmumulto". So my thoughts are kung sakaling magpapakita man yung jinn na yun sainyo, sure hindi yun tito mo, ginaya niya lang mukha ng tito mo. At kung sakaling gumana man yung ginawa niyo, yun ay dahil gusto nila kayong paniwalain na si tito nga siya at "nagpaparamdam" ..... Pero babies are innocently weird. Tumatawa talaga sila kahit walang nakakatawa. Natatakot sa wala namang dapat katakutan. My 1 year old toddler natawa sa key hole ng drawer at natakot sa nakatuping pa hotdong na underwear 🤷🏻‍♀️ Kaya wag mo na lang pgtuunan ng pansin. Baka namamahay lang talaga siya 😅
Read more
 profile icon
Write a reply