baka may kaparehas ako na nangyare na ganito 😭

mga mommy nag try ako mag pt kahapon tapos hindi agad lumabas yung isang sobrang labo then pag gsing ko knina umaga itatapon kona sana pag tingin ko may isang line na sobrang labo tapos nag pt ako ngayon ng dalawa negative ano po ba ibig sabihin nito last po ako nagkaron nung katapusan nung nov nakaligtaan ko kasi pills ko ng 2days pero tinuloy ko padin tpos mga ilan araw may systoms ako kaya nag pt ako kahapon

baka may kaparehas ako na nangyare na ganito 😭
29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

EVAPORATION LINE po tawag jan :) hindi po yan positive. Negative po yan, ang instructions po sa PT ay dapat 2 lines ang lumabas within 3-5mins para masabing positive :) Kung delayed parin po kayo at sure po kayo na may nangyari po sainyo magpa serum blood test nalang po kayo mas sure po yun :)

2mo ago

Depende po kung saan po kayo magpapagawa, hindi ko po kasi natry since nakita po agad sa TVS yung baby ko. Try nyo po sa mga OB clinic magtanong meron po sila nyan

ganyan din yung sakin naka 2x ako pt bago pa yung expected na period ko,then nag antay ako ng 1 week delay mens ko then yun malinaw na sya positive kaso nung nagpatransv ako wala pa makita kasi 6 weeks pa lang tyan ko nun then nirecommend ni ob na ipa serum pt ako positive naman sya

ganyan din sakin sissy negative sya nung tiningnan ko then tinabi ko muna sya, after a few days nag pt ulit ako dahil wala pa ako regla ayun nagpositive tapos tiningnan ko yung nauna kong pt yung tinabi pagkita ko positive sya. ayun nagpunta na agad ako sa ob positive nga.

may ganyan talaga pwedeng false positive dahil malapit na rereglahin dahil makapal ang lining ng uterus, nangyayari to kung ilang araw pa lang delay nag pt na para mas sure po mag pt serum lalo na kung delay na ang mens

Ganian din po nangyare sakin last nov. Nag pt ako nung umaga tapos nung itatapon ko na sans ng gabi biglang nag positive. Pero negative nung unang take ko. Di naman po ako buntis, dinatnan din po ako after

Kung may contact kayo that time na missed mo yung pills may possibility na buntis. Try mo mag pt ulit see the result 3to 5mins beyond that discard mo na kahit ano pang linya lumabas

try mo ulit magPT sis kasi pag matagal masyado lumabas yung sasecond line evap line po tawag dun. may instruction po yan basahin mo po kung ilang minutes magaantay ng results 😊

Ulitin mo ulit sis ganyan noon PT ko then nag try ako ng ilang weeks unang patak palang agad lumabas na ang 2 lines wala pa mins sa akin at pa check up kana din sis

kung inulit po nag test and negative ulit, negative po talaga. evap line lang po yung sa itinabi na PT.. seconds lang po kaso kpag positive ay guguhit agad.

evaporation line lang yan sis. ang positib pt at dapat lalabas ang 2nd line within 3-5mins. pag more than 5mins. void na yan at evap line lang.