Advice

hello mga mommy .. i have eldest child anak ko sa pagkadalaga, 6 years old na sya, nasa kapatid ko sya ngayon at yung mama ko ang nag susunstento sa kanya (unang apo sya). ako po ngayon ay nakabukod kasama ng aking kambal at papa nila. alam ng knakasama ko na may anak ako, although ayaw pa nya ipakuha saken ang anak ko kasi nga hindi pa nya raw kayang buhayin dahil sa maliliit pa ang kambal (2mons old) pero nakakausap kopa din naman ang eldest ko. sa tingin nyo po ayos lang kaya yung ganun?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wala pa akong anak although buntis ako ngayon. Hindi ko alam ang side mo pero alam ko ang side ng anak mo. You see, anak din ako sa pagkadalaga ng mama ko... Legitimate daughter ako pero naghiwalay agad parents ko at nag asawa ulit mama ko. Habang lumalaki ako, feel ko na parang di ako mahal dahil lahat ng attention at pag aaruga ibinigay ng mama ko sa mga half siblings ko. After a while lumipat ako sa bahay ng grandparents ko at sila nagpalaki sakin. Suggestion lang to ah. Hindi kita pinangungunahan... If kaya mo paglaban at gusto mo makasama ang anak mong una, gawin mo. Dahil sa bandang huli, sya din ang tutulong sayo. Mahirap lumaki ng feeling mo di ka mahal, mahirap din lumaki na di mo magulang ang kasama mo. Alam ko un dahil un ang naranasan ko. Kahit mahal na mahal ako ng mga grandparents ko, alam mo padin na apo ka lang. Nakikita mo ung mga pinsan mo at kapatid mo kasama magulang... Ikaw mag isa. Ngayon di kami masyadong close ni mama. Minsan nga iniisip ko na kaya ko naman mabuhay ng wala sya. Pero siguro mas masaya ung naging childhood ko kung sya nakasama ko.

Magbasa pa

tingin ko ayos lng nmn po yun as long as napapaliwanag nio sa panganay nio ung sitwasyon nio syaka po wag nio po sya kalimutan batiin sa mga big events sa buhay niya like bday and etc... syaka po lagi nio pa rin sya kausapin...