NEED YOUR ADVICE MGA MOMMY

Mga momsh palabas lang ng saloobin ko. May live-in-partner ako ngayon at may baby na kami (3weeks old). At may anak ako sa una kong relationship he's 5yrs old, magkakasama kami sa bahay. Kapag nagiging pasaway yung eldest ko, napapagalitan at namumura sya ng lip ko. Minsan naiitaas nya sa sobrang galit nya. Namumura at minsan nasasabihan na mana sa ex ko. Naaawa ako sa eldest ko kasi ayokong napapagalitan o namumura sya ng ganun ng lip ko. Kaso para naman sa eldest ko yung pangaral ng lip ko. Sobrang nahihirapan ako mga mommy. Gusto ko na lang iuwi sa Mama ko yung eldest ko. Para di ganito 😭😢

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mas kawawa naman yung bata mommy pag inilayo mo sayo. Kausapin mo na lang po si lip mo na wag na banggitin yung ex mo at wag masyadong harsh sa bata kase bata pa un. Ngayon mas kelangan ng pagmamahal ng panganay mo. Baka kaya nagpapasaway kase may bago ka ng baby. Baka nagseselos ganyan. Paramdam mo pa din sa kanya na mahal mo sya at di magbabago yun even may bago ka ng baby.

Magbasa pa
4y ago

Natatakot ako or di ko alam kung pano ko kakausapin lip ko momsh ehh. Maintindihin naman sya, pero ewan ko ba. 😢😓