May karapatan ba si Misis magkaroon ng access sa mobile phone ni Mister?
Hi, mga mommy. Gusto ko lang malaman ang opinyon ng iba. Ang asawa ko kasi ay foreigner. Ngayon, may isa kaming anak. Gusto ko lang sanang malaman kung may karapatan ba ang babae or kahit sino sa relasyon sa access sa phone ng partner? Ang asawa ko kasi, tuwing gagamitin ko ang phone nya nagagalit sya. Wala na daw syang privacy. Pero for me kasi right ko yun. Ang sabi naman nya ay wala akong right. Nauubos na kasi ang tiwala ko sa kanya. Parang wala nang saysay lahat ng mga sinasabi nya. Help me naman mga momsh
Para sa akin dapat may right ang mrs na may access sa cp. Though dpat nmn tlaga may privacy each couple. Pero sa cp kc nag start ng kalukuhan ng mga tao. Hnd ko nilalahat po. Pero may ibang way naman para mah apply yun privacy na gxto nya na kumportable ka po. πβοΈ
In my case, si hubby pa ngpapaopen sakin ng messenger nya tapos kung may message ako pa mgbbsa para sa knya minsan ako pa pinapareply. πππ Buong buo ang tiwala ko sa knya. Hindi ko pa hinhingi karapatan ko bilang wife nya. binigay n na nya. ππ
May rights ka since mag asawa naman kayo. Walang dapat ikagalit kong walang tinatago. Ako free akong butingtingin cp ng partner ko ganun din sya.. Bahala na kami kong anong gusto naming gawin sa acct ng isat isa basta wag lang yung ikasisira namin..
Sa mga Pinoys feeling ko okay lang naman, kami ng asawa ko minsan nagka kapalit pa kmi ng Facebook na gamit. π Pero sa foreigners depende sa nakalakihan nila, yung boss ko dati na Amerikano di nahahawakan ng asawa niyang Pinay ung phone niya.
He can touch my phone and I can touch his phone though hehehe pero walang extra check check kung walang approval ng bawat isa. Privacy pa rin, parang respect na sa isat-isa. Pero depende lang po talaga sa couple kung saan mas ok ang set-up nyo.
Kami ni hubby both may access sa phone ng isat isa then nakaregister din finger prints namin sa both na phone. And di din naman masyado magamit ng phone si hubby kauwi unless magchat or text yung kawork nya regarding sa sched nila..
For me, kahit mag-asawa kayo, may rights pa rin siya sa privacy niya maski nagloloko man siya o hindi. Kasi kahit bigyan ka niya ng freedom kalikutin phone niya, kung may intensyon siya manloko, gagawa at gagawa ng paraan 'yan.
We don't share passwords ng social media acct namin pero malaya naman kami tignan ung samin. Di ko nga alam password ng cp ng asawa ko pero fingerprint ko ang passcode. Kung wala naman tinatago wala naman sigurong magiging prob.
kami magasawa ok lang minsan nagpapalitan pa kami kapag wala sya load ung phone ko ginagmit nia hilig nia kc manood s youtube, un lang libangan nia eh, check ko ri palagi cp nia kapag tulog pa eh, minsan phone nia rin gngmit ko
may access ako, may access din siya sa phone ko pero syempre hindi ko kinakalikot ng bongga π privacy pa rin. naglalaro lang ako madalas ng candy crush sa phone nia kapag nagchacharge phone ko π€£