I need advice and kausap

Hello mga mommy and daddy Sobra nahihirapan ako sa setup namin ng partner ko. Humingi kasi siya ng space and time daw na mag isip. So umuwi muna siya sa kanila, sabi niya hindi kami hiwalay pero hindi ko siya masydo iniistorbo sa ngayon sa mga gusto niya gawin. Nagbibigay naman siya ng sustento sa amin ng 2 years old baby ko. Sobra hirap lang kasi malayo ako sa family ko at sa mga kaibigan ko. Plus pandemic pa, naguguluhan ako kung ano ba gusto niya mangyare, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Nagfofocus lang ako sa baby ko. Pero hindi ko parin mapigilan malungkot at umiyak gabi gabi kasi naiisip ko ano ba ginawa ko mali. Kasi akala ko okay kami. Alam ko din na wala naman third party sa issue namin. Meron ba same experience sa kin? I need your thoughts and kausap narin. Nadedepress nako, ayoko pa kasi nmin ito pagusapan dalawa dahil baka ang masabi lang namin ay dala ng emosyon at hindi nkakapag isip ng tama

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

What happened po ba? Bakit sya nagcome up sa ganung decision na kelangan nya ng space at time? Masyado po ba kayo mahigpit? Nasakal po ba sya?

3y ago

Nung nagkapandemic naging mahigpit po talaga ako kasi ayoko mag ka covid kami lalo na maliit pa yung baby namin