normal lang ba ito?

normal lang ba ito mga mommies sa baby? 6 days old palang po ito...pero ganto po nalabas sa mukha niya ngayun at nag yellow po mata at nakumula din po siya.

normal lang ba ito?
15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Oo, normal lang ito sa mga bagong silang na sanggol. Ang tinatawag na "milia" ay karaniwang lumalabas sa mukha ng mga sanggol at ito ay hindi mapanganib. Ito ay mga maliit na puting tuldok-tuldok na madalas makikita sa ilong, pisngi, o noo ng sanggol. Normal din na magkaroon ng yellowish na kulay ang mata ng sanggol, ito ay dahil sa isang kondisyon na tinatawag na "jaundice" na karaniwang nararanasan ng mga sanggol na bago pa lang ipinanganak. Ngunit kung nais mong masiguro, maari kang magkonsulta sa isang pediatrician para sa karagdagang payo at pagsusuri sa iyong sanggol. Voucher โ‚ฑ100 off ๐Ÿ‘‰๐Ÿป https://invl.io/cll7hw5

Magbasa pa

normal nman po yan mamsh,.nawawala po yan 1week to 2weeks ni baby..mataas po ung bilirubin ng baby na ng.ccause ng jaundice or paninilaw..makakatulong po ung pag.papa.araw(phototherapy) ska frequent feeding(10-12times a day) pra mai.pupu nia ung bilirubin..if ever po lagpas 2weeks at meron pa din paninilaw,consult the pedia na po..based on own experience po..umabot din kmi ng confinement dahil d q yan nagawa sa baby q..ngaun po,1yo na c baby at malusog nman po..thankyou kay lord๐Ÿค—

Magbasa pa

normal lng yan sa baby. pero paarawan mo pag sikat palng ng araw umagang umaga. 15mins sa harap at likod. kahit Nakadiaper. tpus sa paligo nya warm. water at isang piga ng kalamansi everytime na maliligo sya. mawawala yan kikinis pa balat ni baby. subok ko nayan sa 1st baby ko. Ayan na sya ngayon.

Post reply image

Normal po ang baby acne, just keep it clean and dry at mawawala rin po ng kusa. Huwag lagyan ng kung anu-ano as per pedia's advice. Yung paninilaw, paarawan po si baby daily, recommended 20-30mins sa umaga, no later than 8am habang hindi pa kainitan ng araw...

Paarawan mo lang po sya tapos every bath time sabi ng mother ko .. Tuluan ung mata ng kaunting maligamgam na tubig galing sa paliguan nya .. Ung di naman madami.. Skto lang mabasa .. Para sa eyes ni baby

VIP Member

Mii, make sure paarawan si bb. Morning and afternoon (nang hindi masakit ang araw). Malakas naman dumede si bb nyo po? At, anong kulay na ng poop nya mii?

normal lang po yan.. need mo lang syang paarawan sa umaga para mawala ang paninilaw nya.. yung mga lumalabas sa face nya eh normal lang

baby acne po normal lng try lactacyd or Cetaphil paarawan lng po ng paarawan si baby ng mawala paninilaw nya

ganyan din Po baby ko dati, Ang Sabi Po Ng pedia nya kailangang paarawan sya sa umaga para mawala Ang paninilaw

Paarawan mo lang sya palagi mi. Ganyan baby ko before mejo madilaw din. Need lang talaga nila ng paaraw