Pusod

Hello mga mommy and daddy! Ask ko lang if tinatanggal ba talaga yung clip sa pusod ni baby kasi base sa mga napagtanungan ko yung sa LO nila tinanggal na yung clip sa hosp. Nag-aalala kasi ako 5 days pa lang si baby tapos hindi siya nakakatulog nang maayos. Every 1-3hours nagigising tapos most of the time grabe yung pag-iyak. Yun kaya yung reason? Thanks!

Pusod
78 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

The umbilical cord is clamped immediately after birth. The clamp is removed before the baby goes home from the hospital. The cord stump should fall off in seven to 14 days. When it falls off, a small amount of blood or wetness is normal. At home, you should: Keep the cord clean and dry. The drier the cord, the sooner it will fall off. Use a cotton swab dipped in alcohol to clean around the base of the cord three times a day or when soiled with urine or stool. You may continue to apply alcohol even after the stump falls off until the area is dry. Do not give your baby a tub bath until the cord falls off and the area looks healed. This will take seven to 10 days. Give him or her a sponge bath instead. Roll the diaper as low as you can so that when the baby kicks, the diaper does not hit the cord. And tag a friend to learn this ❤️

Magbasa pa
Post reply image

Bawal po tanggalin yan,mommy...lagyan mo lagi ng 70% alcohol yung advice sa akin ibuhos o direkta tlga yung paglagay para madali lng matuyo at matanggal ng kusa...sa baby ko 5 days lng,tanggal agad...takot nga ako kc 3 days after ko manganak bumaho yung pusod nya kc basa buti na lng sked nya for immunization that day, nung dinala ko sa center, nilisan ng nurse at tinuruan ako kung paano...dati kc nilalagay ko sa cotton yung alcohol at padampi dampi lng ang paglagay kc naawa ako baka mahapdian yung baby...pero sabi sa kin nung nurse wala dw problema yun sa bb mas madali matuyo pagbuhos..lucky kc pagka5 days nahulog yung clamp.

Magbasa pa

Una po sa lahat, pedia po ung nagtatanggal niyang clip. Sa baby ko tinanggal na yung clip after 4 days, siguro dahil tuyo na yung pusod ng baby ko nung time na yan, hinihintay ko nlang kusang matanggal yung natuyong pusod. Wag na wag niyo pong gagalawin yan kase delikado po. Patakan mo lang alcohol kapag nililinis at please iwasang mabasa ng tubig pag pinapaliguan or wiwi ng diaper. Baka po nagugutom yung baby niyo kaya gumigising at umiiyak after 3hrs. Masakit po yan sakanila kaya iwasan din mabangga.

Magbasa pa

Yung sa baby ko po hndi rin natanggal ng hospital pagkadscharge nya. after 6days kusa naman syang natanggal kasama ung pusod pro hndi pa dry. worried nga kmi ksi bumaho yung pusod nya nun. pero ngayon okay na totally dry na sya kaya binabasa na namin pag naliligo, 23 days na si LO ko ngayon. dampi2 lng ng alcohol gnagawa namin

Magbasa pa

Alcohol lng po mommy. Advice yun skn ng pedia ko. The more you put alcohol mas mtutuyo sya at kusa sya matatagal. Pag medyu tuyo na yung ibabaw sila mismo nagtatanggal nung clip para mas matuyo agad. Minsan ksi tuyo na ang ibabaw pero ang ilalim hindi pa. Alcohol lng kht 3x a day. Pinagbawalan nya rn ako maglagay ng bigkis.

Magbasa pa

Yung sa baby ko tinanggal sa hospital tapos meron pang tira sabi ng pedia nya kusa matatanggal linisan lang araw araw ng betadine kaya ginawa ko pinatakan ko ng unti ang pusod nya ng betadine tpos yung gilid pinapahiram ko rin gamit ang cotton buds ngaun 20 days na sya totally wla na pero ndi pede basain pa

Magbasa pa

Momshie hindi pa kami 24 oras sa ospital discharge na kami ni baby bago kmi umalis tinanggal na yung clip. Lagyan mo sya ethyl alcohol kada 1 oras pra madali matuyo patakan mo gamit alcohol po. Wag ko bigkisan ah, mangangamoy kase yan. Baka gutom c baby mo kaya naggising sya sa oras na yan.

Kusang natatanggal po kasabay ng pagdry ng pusod ni baby. Alagaan lang po sa ethyl alcohol every nappy change (2-3hrs), iiyak sya dahil magugulat sa lamig ng alcohol pero hindi naman masasaktan. Baka kaya po umiiyak at uncomfortable si baby dahil basa na ang diaper or nagugutom sya.

Yung Kay baby nkalimutan din tanggalin ng hospital yung clamp, pero dapat upon discharge sa hospital tanggalin na yung clamp. Pwede mu din ipatanggal sa pedia niya. Tuyo naman na yung cord hintayin mu nlng na matanggal ng kusa Basta linisn lng every day Para hindi ma infect. 😊

Mommy ndi basta tinatanggal yang clip unless may gagawa nun na maalam talaga kasi ndi yan basta natatanggal . Ung sa lo ko ung midwife na naghagod sakin ang nag alis . At may ginamit siyang tool na pamutol . Linisan mo lang po muna regularly with 70% alcohol