11 Replies

Yan po ang hirapa kapag ndi ikaw yung nag oalaki sa baby mo... Ndi mo kabisado kng pano sya babawalin, ndi mo alam kng pano mo uutuin.. Ganyan sister ko, lumaki kase smin pamangkin ko kase need nila bumalik mag asawa sa ibang bansa.. 1 month palang pamangkin ko ng iwan nila. Samin, alam naman ng bata na sila yung parents peeo pag umuuwe dto mami at dadi nya lagu sya napapagalitan. Ndi naman kase namin sa ganon pinalaki yung bata, kapag babawalin namin kakausapin lang namin at uutuin na dapat ndi ganon. Yung mami nya kase hinihiyawan sya which is mali. Pero di din namin masisi kase ng ndi nya kabisado anak nya.. A kaya dapat kng maaari habang baby anak natin is pilitin natin na tayo ang mag alaga at mag palaki para ng sa ganon tayo yung mas sundin nila

Kung sila nagalaga while you were working before eh mahihirapan kasi masakit man pero mas naging malapit na sila sa grandparents nila and parang normal sa mga lolo at lola na iispoiled ang mga apo. You can do your part as parents sa pagdidisplina kung nakabukod kayo ng bahay. But under one roof? Honestly mahihirapan ka. Kami nga once or twice a week lang napapasyal sa inlaws ko pero stressed ako lagi dahil sa pakikialam nila sa pagdidisiplina namin sa mga bata. Tipong sasabihin namin na bawal ibibigay pa din nila. To think na never sila napuyat or nagpalit ng diaper sa mga anak namin. Not even once ah. Bumukod kasi kami agad. Better na bumukod kayo. Pag tumagal na ganyan sitwasyon mahihirapan ka na lalo magimpose ng discipline sa mga anak mo.

Pag ganyan parang di din kayo nakabukod. Naturalesa na yata sa inlaws ung nangingialam😂. Sakit sa bangs no

Momshie kausapin mo na lang ng maayos ang lolot lola ng mga bata na gusto mo ikaw na muna ang mag alaga at dumisiplina sa kanila pero wag mo ipagdamot sa kanila ang anak mo lalo nat halos sila naman ang nag alaga alam m nman ang matatanda sensitive na,ipaunawa mo lang ng husto sa kanila na gusto m magkaroon ng time nman sa mga anak mo,yung mga time ba kamo na wala ka gusto mo bumawi sa kanila at magbonding kayo everyday ng mga anak mo maiintindihan nman siguro nila yun

natural lang po na pag napapagalitan ang anak eh maghahanap ng matatakbuhan. pero dapat di kokonsintihin ng lolo or lola yung maling ginawa ng apo. dapat open communications with grand parents. kung sakaling yung husband mo ang may parents nun siya ang makikipagusap sa parents nya na dinidisiplina nyo lang yung anak nyo. uuwi parin naman si junakis dahil mamimiss at mamimiisss nya parin kayong mommy at daddy nya

Tama ka naman. My kids my rule. Pero paano ba nagkakaron nh chance makialam ang lola? Same house po ba kayo? kasi if so, mahirap talaga icontrol lalo na if nakikitira kayo sakanila. If not naman, mas madali solusyunan. basta need mo lang open communication sa mga anak mo. Explain mo bakit mo sila papaluin or bakit sila napalo. magsorry ka din afterwards. Kasi baka di nila naiintindihan kaya takbo agad sa lola.

Pwede naman but in a good way .. ipaliwanag mo sa in laws mo yung mga magiging consequences sa pagbbwal mo na ipahiram ito sa knla .. like my son spoiled din sya sa mga lolo at lola nya but not in a way na mapapasama sya .. dapat ung inlaws mo ang magtuturo ng kagandahang asal .. kaya kasi nagiging sutil ang isang bata ay dahil sa pagkonsinti nating matatanda na kht na mali pababayaan lang ..

Okay lng yun. Kung para sa ikabubuti nang anak mo, yan din ang prob ko, pag kami dalawa lng nang asawa ko nkikinig sya pero pag andyan na ang lola, hala sige ubod nanaman nagpakapasaway. Para bang nakahanap sila nang kakampi.

Same 🤣 kaya ako nasimangot tlga ako .. tapos kinokontra ko ung pagkukunsinti nila .. tapos hinihila ko nlng pauwi ung mga anak ko .. kaya ngayon hnd na lagi naka lola lolo ..

Dapat pagsabihan din yang mga in-laws mo na di konsintihan ang anak mo. Total anak mo din naman yan at alam mo kung ano ang tama sa mali

Yan mahirap talaga kapag kasama mo sa bahay ang in-laws. Daming hanush hehe

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles