Ayaw ng kanin!
mga mommy.. ano po bang pwede kong gawin sa anak ko. 1 year old na sya. Sa ngayon, ayaw na nyang kumain ng kanin. Simula nung nag9 months sya pinakain ko na sya ng kanin pero ngayon ayaw na nya.. pero mga fruits kumakain naman sya yun nga lang konti konti lang.. pansin ko ang bilis nya mabusog or mabilis magsawa sa pagkain ?
ganyan din lo ko sis, simula nag 1 year old ayaw na kumain ng kanin, gulay at mga prutas kahit sobrang takaw niya. hayaan mo lang muna sis ksi baka nagngingipin, sakin kasi sabay sabay pagtubo ng ngipin niya kay masakit gums pero mag offer ka pa rin lagi ng food kahit pakonti konti.
Ganun din ang anak ko ngayon, 1yr and 5mos old na siya pero sobrang hirap pakainin ng kanin at di rin umiinom ng formula sakin lang nadede tlga. Kung ano anong ginagawa ko para lang mapakain siya. Sobrang dalang siya kumain. nakaka stress kc payat siya sa edad niya.
4 year old na ang anak ko. hindi pa din kumakain ng kanin. nung more than 1yr old sya kumakain sya tapos biglang hindi na lang sya kumain..papano kaya gagawin ko.. puro gatas lang sya and biscuits
natry nyo na po ba steam veggies? ie. cauliflower, carrots, potato, beans? sinasamahan ko po ng chicken breast at onion at garlic para my lasa..