worried po ako, sana masagot

mga mommies, yung anak ko nong 1 month sya may naririnig na akong halak nya. pinacheck up namin sya pero niresetahan lang kami ng salinase nasal drops. 2 beses ko syang pinacheck up pero ang sabi wala silang naririnig na kahit anong sipon nya pero may nakukuha naman akong parang sipon pag ginagamitan ko sya ng nasal aspirator. bago sya bakunahan, chineck up din sya ng doctor. ganon pa rin naman ang sabi sa akin na wala syang naririnig na sipon o plema sakanya. then nong 2 months old sya, sinabi ko yon sa health center, magana si baby magdede, hindi nilalagnat, may naririnig akong halak nya at may nakukuha akong sipon nya pag ginagamitan ng nasal aspirator. pero ang sabi sa health center, padedein ko lang daw at baka sa panahon lamg yon. at ngayong nag 3 months old na sya, malapit nanaamn bakuna nya, hindi pa rin nawawala sipon nya. ano pong pwedeng gawin? ipa check up ko po ba ulit? sana po masagot, first time mom po ako😞

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ang baby ko running 2 mos. this Aug. 22 pina check up ko din sya sabi nang doctor okay nmn ang lungs normal lang walang plema.. normal lang nmn daw possible daw dahil sa sobrang amniotic fluid na d nakuha ng mabuti paglabas nya or maybe overfeed.. Mawawala din daw yan may ni resita din gamot si doc just in case siponin or lagnatin or iyak ng iyak ang baby.. mawawala din daw yan momsh.

Magbasa pa