worried po ako, sana masagot

mga mommies, yung anak ko nong 1 month sya may naririnig na akong halak nya. pinacheck up namin sya pero niresetahan lang kami ng salinase nasal drops. 2 beses ko syang pinacheck up pero ang sabi wala silang naririnig na kahit anong sipon nya pero may nakukuha naman akong parang sipon pag ginagamitan ko sya ng nasal aspirator. bago sya bakunahan, chineck up din sya ng doctor. ganon pa rin naman ang sabi sa akin na wala syang naririnig na sipon o plema sakanya. then nong 2 months old sya, sinabi ko yon sa health center, magana si baby magdede, hindi nilalagnat, may naririnig akong halak nya at may nakukuha akong sipon nya pag ginagamitan ng nasal aspirator. pero ang sabi sa health center, padedein ko lang daw at baka sa panahon lamg yon. at ngayong nag 3 months old na sya, malapit nanaamn bakuna nya, hindi pa rin nawawala sipon nya. ano pong pwedeng gawin? ipa check up ko po ba ulit? sana po masagot, first time mom po ako๐Ÿ˜ž

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung baby ko nung nag 1month old siya dinala rin namin siya sa pedia, sinbi namin na may halak siya. then sabi ng pedia natural lang daw po yun sa mga baby n akala natin ay may halak sila. ppwede daw ksi na gatas lang or laway daw nila ang naririnig naten sakanila. since ung bby ko ay medyo chubby at wala ng leeg dahil sa taba niya, pwedeng ganun nga daw po ang naririnig nmin. chineck din yung dibfib at likod niya, pero wala silang naririnig. at ngayon na 2months na siya meron din kami naririnig na parang sipon niya pero naririnig lang namin yun kapag tapos niya na magdede. at nag observe naman kami na walang uhog na lumalabas sa ilong niya or parang tubig lang. tapos pag magdede siya, ok naman siya. naririnig lang din namin kapag tapos niya din magdede. pero kung duda lang din po kayo sa kalagayan ng inyong bby, pacheck up niyo nalang din po para panatag din po kyo ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
1y ago

Yes po sa gatas nya lang talaga. Sa baby namin nawala na po pinapa burp na namin sya after feeding.

diba mga momsh ang halak ay naririnig sa dibdib if tama ba yung alam ko hah kase, yung sakin din ganyan e marami akong kamag anak na nasa province den my tintawag silang linaw' ayun yung pag papa inom ng katas ng dahon ng ampalaya or oregao kse mga taoN daw yun nung nasa tyan pa ng mommy, den 2months kolang sya napa inom kase wala ng dahon ng ampalaya dito sa kapit bahay namin nawala naman sya den itutuloy ko naman ng oregano pwede din mga six months daw gagawin wala naman masama kung i share ko kung makakatulong naman sya why not diba, wala naman siguro masama dun kase puro dahon lang naman yun share kolang naman baka makatulong๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
1y ago

oo naka tulong naman na wala yun wala naman ngyare sa baby ko

Helo po mhie, need niyo po magsecond opinion sa ibang pedia mahirap pong manghula lalo na at baby po yan. Sa bahay naman po ninyo need din po icheck kung may nagttrigger ng allergy niya bk allergy lang din po yan. Kaya need po laging malinis ang bahay. Bawal din po ang nagpupulbo o nagpapabango na malapit kay baby pra di po magcause ng allergy niya. ingatan po si baby wag din po ilabas kapag beyond 5pm na Godbless po.

Magbasa pa

Ganyan din ang baby ko running 2 mos. this Aug. 22 pina check up ko din sya sabi nang doctor okay nmn ang lungs normal lang walang plema.. normal lang nmn daw possible daw dahil sa sobrang amniotic fluid na d nakuha ng mabuti paglabas nya or maybe overfeed.. Mawawala din daw yan may ni resita din gamot si doc just in case siponin or lagnatin or iyak ng iyak ang baby.. mawawala din daw yan momsh.

Magbasa pa

Ganun din ang baby ko may halak pina check din namin sa pedia ang sabi wala naman ng plema sa lungs. Tama nga ang isip ko gatas yun na hindi nalunok ng maayos kasi ang baby hindi pa ganung nakakalunok ng maayos kaya yun may halak sa lalamunan naririnig yung tunog. Baka po yung nakukuha nyong sipon baka stickt lang po yun na laway na may gatas

Magbasa pa
1y ago

sa ilong po namin naririnig e, tsaka sticky po yung sipon. parang sipon talaga tignan kung paano tayo magkaroon ng sipon, yung kulay green at puti na sipon po. ganon po itsura

Meron din po si baby running 2 mos. Normal lang daw sabi ng pedia though nakaka worry kasi kapag madaling araw nagigising si baby kasi hindi comfortable sa ilong nya may sounds na lumalabas. Noong few weeks old kasi sya hindi sya minsan napa burp and hiniga sya right away after feeding which is wrong talaga. Kaya kawawa talaga si baby.

Magbasa pa

ganyan din po samin may halak daw nung pinacheck up ko. niresetahan kami ng salbutamol. i-nebulizer daw namin. pero sabi ng hipag ko ganun din daw sa anak nila dati pero walang sinabi ung pedia nila na i-nebu. kusa naman daw mawawala kaya hindi na namin tinuloy ung pag nebulizer.

1y ago

mga ilang days po bago nawala

Pina-ct scan or Xray niyo po ba? Yun nalang po paraan para malaman kung may halak ba tlga si Baby or wala. Pa-check up niyo po ulit tapos request po kayo sa pedia kung pwede sya pa-xray para po mapanatag kayo.

1y ago

ganyan din sa baby ko pinacheck ko kase may sipon salinase para sa sipon at allerkid para malaman kung may nakakatrigger ba sa ilong niya and yang halak baka may kulangot si baby o dumi sa ilong o naipon na laway naman o gatas sa bibig

pag may halak po si baby at wala namang sipon o ubo dahil po na overfeed na sya.. dapat 3 to 4 hrs daw ang interval according to pedia.. ang one month old ang stomach niya kasing laki lang ng soccer ball..

1y ago

3 months na po sya

nagkahalak ang baby ko. nawawala rin naman. burp baby after feeding. upright si baby for atleast 30min after feeding. avoid overfeeding.

Magbasa pa
1y ago

baka over feeding,din pag tapus mopo IPA burp si baby wag nyo Po ehihiga agad ,Kasi Yung baby ko after mag burp mga 10minutes maglulungad pa Siya kahit naka pag burp na.