worried po ako, sana masagot

mga mommies, yung anak ko nong 1 month sya may naririnig na akong halak nya. pinacheck up namin sya pero niresetahan lang kami ng salinase nasal drops. 2 beses ko syang pinacheck up pero ang sabi wala silang naririnig na kahit anong sipon nya pero may nakukuha naman akong parang sipon pag ginagamitan ko sya ng nasal aspirator. bago sya bakunahan, chineck up din sya ng doctor. ganon pa rin naman ang sabi sa akin na wala syang naririnig na sipon o plema sakanya. then nong 2 months old sya, sinabi ko yon sa health center, magana si baby magdede, hindi nilalagnat, may naririnig akong halak nya at may nakukuha akong sipon nya pag ginagamitan ng nasal aspirator. pero ang sabi sa health center, padedein ko lang daw at baka sa panahon lamg yon. at ngayong nag 3 months old na sya, malapit nanaamn bakuna nya, hindi pa rin nawawala sipon nya. ano pong pwedeng gawin? ipa check up ko po ba ulit? sana po masagot, first time mom po ako😞

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung baby ko nung nag 1month old siya dinala rin namin siya sa pedia, sinbi namin na may halak siya. then sabi ng pedia natural lang daw po yun sa mga baby n akala natin ay may halak sila. ppwede daw ksi na gatas lang or laway daw nila ang naririnig naten sakanila. since ung bby ko ay medyo chubby at wala ng leeg dahil sa taba niya, pwedeng ganun nga daw po ang naririnig nmin. chineck din yung dibfib at likod niya, pero wala silang naririnig. at ngayon na 2months na siya meron din kami naririnig na parang sipon niya pero naririnig lang namin yun kapag tapos niya na magdede. at nag observe naman kami na walang uhog na lumalabas sa ilong niya or parang tubig lang. tapos pag magdede siya, ok naman siya. naririnig lang din namin kapag tapos niya din magdede. pero kung duda lang din po kayo sa kalagayan ng inyong bby, pacheck up niyo nalang din po para panatag din po kyo 😊😊😊

Magbasa pa
2y ago

Yes po sa gatas nya lang talaga. Sa baby namin nawala na po pinapa burp na namin sya after feeding.