7 Months
hi mga mommies. worried lang po ako... first time mom po at 7 months napo ako ngayon, 27 weeks to be exact... ask ko lang po normal lang po ba talaga yung hindi makatulog sa gabi? as in inaabot po ako ng 3AM gising padin ako. tapos nagmamanas napo yung paa ko, kahit po maglakad ako, manas padin po sya. tapos may time po na sobrang tigas ng tiyan ko at masakit. minsan po yun din ang cause kung bat di ako makatulog. normal lang po ba ito sa 7months???? help naman po mga mommies.... thanks po
Hi mamsh, magpa check up na po kayo.. Hindi po kasi normal yan ๐ relax lang po wag po kayo kabahan sa comment ko pero dapat na po kayo magpa check up idetalye nyo po sa OB yung nararamdaman nyo lalo na po yung pag tigas ng inyong tyan.. Sabihin nyo rin po IF MAY other symptoms kayo like minsan hirap po kayo huminga, sumisikip ung dibdib, may pagkahilo, nagpapalpitate or feel nyo minsan mahihimatay po kayo. Pwede rin po kasing sign yan na nagprepremature labor kayo or nag fafalse labor po kayo common po sa 7months preggo.. Wag po tayo magsawalang bahala sa kaht ano pong maramdaman natin..
Magbasa pawag ka masyadong mag lakad lakad nag contract ung tummy mo . tas pag umaga lakad ka sa sementong mainit para mawala manas ng paa mo . ganun pinagawa saken ng lola ko para mawala manas ng paa ko .
Ganyan din po ako 6months preggy hirap n makatulog..pero sa pagmamanas po kain ka monggo..tapos taas nio po paa nio..alam ko kapag manas iwas sa manok e yun ang alam ko
Normal lang kung minsan sumasakit tiyan lalo na pag tumitigas pero di normal kung madalas at di naaalis. Try mong uminom ng gatas sa gabi at calcium supplement din.
Iwasan Ang mga salty foods momsh Kaya minamanas ,tpos kapag nakahiga ka lagyan mo unan paanan mo itaas mo . Tapos Yung paninigas NG tiyan iconsult mo sa OB mo ..
Monitor po ang bp baka preclampsia po. Palaging elevate ang paa kapag nagrerest o kalhit nakaupo. Drink more water and iwas sa salty foods
27 weeks na dn ako, pero nkakatulog ako 12-1am lagi. .at hindi pa dn ako namamanas..hehe di ko alm kung bkit๐
Mamsh yung symptoms na yan parang mejo early pa para sa age ng pregnancy mo. Best to consult your ob po
Mag monitor ka ng BP mo baka kaya ka namamanas kc mataas na BP mo. Tas iwas sa salty and fatty food.
Di ko po alam kung normal eh. Kasi 7 months na din ako pero di naman ako nagkakaganiyan.