PANANAKIT NG PWERTA ( NA PARANG BABAGSAK YUNG MATRIS ) AT PUSON

hi mga mommies, share ko lang po na nag start yung pananakit ng pwerta ko since july 6 parang 4 months 1/2 sya. sabi nung ob na tumingin threatened miscarriage kaya pinag bedrest ako ng 1 week at pinainom ng duphaston. umulit sya nga august 10, bed rest ulit pero 21 days na pinainom din ako ng isoxsuprine. pero ngayong pumapasok na naman ako sa trabaho nararamdaman ko na naman sya :( malayo kasi ang work ko sa inuuwian ko. madaming dinadaanang mga lubak lubak na hindi maiwasan lalo na mga pedicab at tricycle driver na derederetso ang pag drive kahit buntis ang sakay nila. pero last na sabi ng OB okay naman. malikot naman po yung baby sa tyan ko na mag 7 months na din po, pero bakit po kaya ganun lagi akong nakakaramdam ng ganito :(

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi momsh! I feel you.. mahirap po ang ganyan.. naranasan ko yang ganyang feeling sa first pregnancy ko buti makapit talaga si baby.. dito sa pangalawa ko, ganyan din.. threatened miscarriage din ako kaya bedrest din at duphaston.. would you know if mababa po matres niyo? sakin kasi mababa kaya ganyan din nararamdaman ko. takot nga maglalakad malayo kasi pakiramdam may mahuhulog na something. buti na lang naka wfh company namin ngayon

Magbasa pa