TNTC
mga mommies pwde po bang wag nako mag take ng antibiotics kase nung oct nag take na din po ako dahil sa uti eto nnman bumalik nnman po ??? madadala po kaya sya ng water at buko juice palagi ? or need ko po talaga mag antibiotics? ???
Basta nireseta sayo ng ob mo po sundin mo, dahil po hindi magbibigay ng gamot ang doctor n ikakapahamak ng baby,. Mas mapapahamak ang baby mo kpg di mo ginamot uti mo po,. Ganyan din aq dati 2x aq nagka uti nag antibiotics din aq,. Kc iba ang gamot sa buntis at iba gamot sa hindi buntis,. Kaya kung ano po ibigay sau n gamot ng ob mo sundin mo po.. Mahahawa kc ng impeksyon yng baby mo kpg di ka nag antibiotics mas delikado yun at kawawa bata,. Ingat nlng sa kinakain iwas sa maalat fast foods, process foods, toyo patis basta maalat iwasan, inom ng maraming tubig, inom ka buko juice marami everyday,. Kainin mo po masusustansya like avocado da best yan sa bata, lanzones, rambutan, mag anmum ka din po na gatas 2x a day,. Nanganak n po aq at malusog ang baby ko di sakitin kahit nagantibiotics aq noon.. First baby ko matalino din dahil sinunod ko lahat payo ng ob ko at nirereseta nya,. ๐ wag kng magalala di ka ipapahamak ng ob mo po..
Magbasa patama po ba yung pagkuha nyo ng urine ? kasi nung unang kuha ko may u.t.i din ako binigyan ako ng cefuroxime tapos sabi ng ob ko umulit daw ako ng kuha after 1week mag water lang daw ako kahit nakakasuka na . pag may u.t.i padin daw ako tsaka daw ako bibili nung gamot . tapos tinuro sakin kung pano ang kuha . Mag wash muna maige ng pempem tapos wag idikit yung container . tapos ang kukuhanin na wiwi is yung middle wag yung last and first . kung may lumalabas na puti sayo katulad ng sakin yun daw yung nakikita sa test which is normal pero bacteria daw yun pero hindi u.t.i . ganun lang ginawa ko .
Magbasa paMag antibiotics ka.. safe for pregnant women naman ang binibigay ng mga ob.. tsaka "MANY" ang remark na nakalagay sa bacteria na nakita sau, mas prone ka sa miscarriage if u leave it untreated.. kung ilang gamot ung prescribed sau, ubusin mo un.. sabayan mo ng cranberry juice mas effective un sa buko juice kasi may sangkap un na pinapatay mismo ung bacteria na nagkocause ng UTI.. magandang brand ung TIPCO ng del monte..
Magbasa pasana nka visit kana sa ob mo mamsh..need po talaga mg take antibiotics sa case mo eh, madami na pus and bacteria sa ihi mo baka mg spread upwards na.. need din proper hygiene down there mamsh, if ng use ka pantyliner, frequent change mamsh..and if di ka naman gumagamit pantyliner, frequent change ng undie.. and drink lots of water (tipid pa).. pag na iihi, if meron available cr, ihi agad.
Magbasa paMumsh ako nagpositive sa uti before although wala namang sumasakit saken at di naman ako nahihirapan umihi... Pag buntis daw talaga sobrang prone sa uti. Ang ginawa ko lang, inom pa din madaming water and nagbuko juice ako 2x-3x a day. Nung nagpatest uli ako, wala na. No meds taken. ๐
Go for antibiotic. Kakatapos ko lang mag antibiotic na mataas. Kung ayaw mo ma admit at thru IV ang pagbigay ng antibiotic sayo, makinig ka sa ob mo at uminom ng tamang gamot. Di yan mag reseta na ikakapahamak ng baby mo po. Then drink loooots of water na 3 liters per day.
Magantibiotic ka sis. Baka magkainfection din baby mo sa loob. Make sure din na palit ng palit ng undies para di nababasa undies. Mas gusto kasi ng bacteria yun. Si OB ko may nireseta saken na vitamins,good bacteria daw yun sinabay ko sa antibiotic. Ayun nawala uti ko.
may kakilala ako, pinabayaan niya uti nya. nung manganganak na sya yung anti biotic dinaan na sa swero. delikado kasi baka maging yellow baby. kung ayaw mong makapitan ng infection anak mo, sundin mo na lang reseta ng OB mo.
Sobrang taas kasi sis eh, delikado kung idadaan mo sa water at buko juice lang kasi para lang yun sa mababang uti, kelangan maactionan yung taas ng uti mo kasi the infection can spread to and affect your baby na ๐ฅบ
Punta muna sa OB. Sya ask mo kung magrereseta ng antibiotics. Ako kase sa center niresetahan ako antibio 3x a day shock ako eh tapos dinala ko sa OB sabi ng OB wag ndaw water water nalang daw.