Need Some Advice

Mga mommies, pa advice naman ako. Kasi po last March 19 nag pre term labor po ako. Until now di pa po ako pumapasok sa work dahil nga po nakakaramdam pa din ako ng pagsakit sakit sa balakang ko at kahit sa may pwerta ko po. Kaso lang po di po kasi ako entitled sa leave dahil po JO lang po ako. Ilang weeks na po akong di nakakapasok dahil natatakot din po ako na baka mag pre term labor na naman ako habang nasa work. Ano po kaya ang dapat kong gawin? Is it better kung mag resign nalang po kaya ako? Salamat po. Naguguluhan po kasi ako.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Resign. Maraming trabaho na pwede mong applyan uli, or kung tatanggapin ka pa uli sa opisina niyo pagkapanganak mo. Priority ang bata ngayon, maselan ang pagbubuntis mo, mag-ingat.