Pre-term Labor

Momsh matanong ko lang po dahil first time mom po ako. Ano po ba mararamdaman niyo pag pre-term labor tska mga ilang buwan po yun or weeks? At ano ano po mga kailangang gawin? Mag 7 months na po kasi ako. Hindi po ako gaano aware sa mga ganun. Salamat po sa mga sasagot.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nag preterm ako nung 30weeks ako, yung symptom ko is diarrhea...hndi daw kase normal sa buntis mag diarrhea maliban nlng kung may nakaen ka lang na hndi maganda kaya nasira ang tyan...sa case ko kase biglaan lang ako ganun...ang feeling ko nung nag pre term ako yung tyan ko super bigat at feeling ko mahuhulog na si baby...nag open din kase cervix ko nun ng 1cm kaya ganun pakiramdam ko...tapos humihilab tyan ko...naninigas talga sya walang humpay...tumigil lang nung naadmit nako pero mahaba habang oras pa bago tuMigil pag hilab...nag cocontract nako nun 1:30pm tapos tumigil lang bandang 10pm...kaya nailipat nako sa kwarto..hndi naman gano kasakit pag hilab pero mararamdaman mo talga na super tigas ng tyan mo...hndi mo din naman mararamdaman na lalabas na si baby...naninigas lang yung tyan...tapos nung pinauwe ako bed rest lng...up until now 34weeks nako naka bed rest pako kase nung 32weeks checkup ko open parin ang cervix ng 1cm tapos umiinom ako pampakapit...ngaun ok na...may times na hihilab sya pero braxton hicks daw tawag dun or practice labor or false labor. normal lang daw yun sa mga malapit na manganak or nasa 3rd trim na

Magbasa pa
6y ago

Thank you mommy. Big help talaga!😘

VIP Member

Nagpreterm labor po ako nun 30 weeks pero wala po akong nararamdaman na kahit na ano. Nagcocontract lang po un tummy ko pero di naman siya madalas. Kala ko braxton hicks lang po then nalaman lang na open na cervix ko kasi nagpaultrasound ako para sa gender sana ni baby. nadiretso confine na ako.

Kapag pre-term 36weeks below