Breastfeeding problems

Mga mommies na gustong gusto sana magbreastfeed pero hindi nagawa, anu anong mga naging rason ninyo? Nafufrustrate ako sa sarili ko, bukod sa napaka konti ng lumalabas na milk sakin kahit anong paraan na gawin ko mapadami, hindi talaga, sobra pa kainverted yung left nipple ko na ayaw talaga maglatch ni baby. Sa left breast ko lang sya napapadede, tapos pinapump ko na lang yung right. Kahit anong pump ko ang konti talaga. Gustuhin ko man mag exclusive breastfeeding, nakakaawa si baby kapag umiiyak na gutom na gutom na. ?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako dati. pero nung nag research ako, dadami ang gatas pag laging pina pump or pinapa suck kay baby. naglalaga ako ng malunggay leaves. un ang pinaka tubig ko. pag tinatamad ako maglaga ng malunggay leaves, capsule or tea ang iniinom ko. ayun ddumami ang gatas ko. tyagaan lang. masakit sa nipple nung umpisa lalo kung konti ang nalabas na gatas.. pero dahil tyagaan lang, ayun dumami. at first, nag mix ako.. breastfeeding and formula. ngayon 100% breastfeed na lang. turbing 1 month si baby by sept 1

Magbasa pa
6y ago

yes mamsh.. mixed ako kahit pinagbawal ng hospital. nanganak ako walang gatas na lumalabas. first feed ko kay baby, mukhang nabusog sya pero ansakit talaga.. kinagabihan, hundi na natigil iyak nya,, nakakapagod ayaw nya matulog.. kaya ayun pinadede ko sya sa bote.. unti unti nagkakaroon naman ako ng gatas... dumami lang nung uminom ako ng maalungay tea plus tuloy tuloy na breast feed. kumukonti din kasi ang pag produce ng milk pag nagmimixed ako.. kaya tinago ko na ang mga bottles.. ayun tyinaga ko kahit nakakapagod. feeling naten minsan walang nalabad na milk pag dumidede si baby pero actually meron.. d lang naten ramdam.