cerelac

Hello mga mommies Maganda buhay sainyo lahat??? Mommy tanong ako sainyo ilang Beses ba dapat pakainin si baby? Kasi firsttime kumain ng baby ko kanina umaga ng cerelac 5months na siya ng saturday. Papakaini ko ba siya ulit o once a day lang kain tpos breast milk na ulit? Salamat sa mga sasagot?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy huwag po cerelac kung maari. Mag umpisa ka sa puree na vegetable para ang preference nya hindi sa matatamis. Ang sabi din kasi nila ang una ipakain vegetable para hindi picky si baby. Ganyan ginawa ko sa baby nag puree ako ng baguio beans. I know hindi masarap pero subok2 lang naman anyway nagsisimula pa lang naman siya. Kung feel mo na talaga na ready na siya sa solid 2x pakainin sa umaga at sa hapon. Padede muna bago solid. May kasabihan nga “food before 1 is just for fun”. Sa formula/breastmilk pa rin sila kumukuha ng nutrients. Huwag po pilitin si baby na ubusin lahat kung ayaw na nya huwag na ma stress. At huwag po lagyan ng asin ang food ni baby masama po sa baby ang maalat. Kung ang ulam nya ulam nyo din maghiwalay k para kay baby bago lagyan ng pampalasa. Good luck po.

Magbasa pa

Three times mommy. Breakfast, lunch and dinner but supposedly when she is 6 months. First food ni baby is lugaw then I blended it. Yung natitira I put it in the fridge and iinitin ko. Syempre nageevaporate na ang liquid I add breastmilk pero medyo liquified yung lugaw. I am not into instant baby food mommy kasi may mga preservatives na siya. As much as possible you prepare her food. Another suggestion, soup stock like chicken or buto ng pork and then i put a bit of rice. Another mommy is magboil ka ng gulay. Usually magboil ako ng malunggay at kalabasa at may konting asin. 😊😊😊

Magbasa pa

Sakin 5 mos palang baby ko pinakain ko na e. as long as ready na sya kumain. maganda unang solid food nya is mashed potatoes or carrots or kahit squash. kahit isabay mo sa sinaing mo pag ready na food mo ready narin yung kanya. Depende naman din sa bata kung anong magugustuhan nya e. Since nagsa start palang isa isahin mo muna ipakilala sa kanya start ka muna sa potatoes tas pag tagal mag try ka na ng iba or still better consult your baby's pedia

Magbasa pa
3y ago

no mommy 6 months po dpat kase po dpa po matured ung kidneys nila ok lang ung tikim2 lang

Mommy, 6months ka mag start magpakain ng solid food kay baby. Saka wag cerelac. Much better mag mash ka ng potatoes or squash. Yan lang muna. Kahit isama mo lang maliit na portion sa sinaing then saka mo durugin at ipakain kay baby.

5y ago

Subukan ko nga yan kasi ayaw nya potato e binu buga din sakin😅 Ung banana napakain ko siya na may breastmilk nagustuhan nman nya kaso d lang nauubos, ngayon ksi stop ko siya pakainin kasi may sakit siya puro dede lang bet nya

Malasa po ang cerelac pero kung tutuusin mas marami silang vitamins kesa sa homemade baby food lalo na yung gerber malasa nga lang sila cerelac baby ko sa umaga sa tnghali homemade gulay sa hapon naman bisquit po tinutunaw ko lang

5y ago

Paano naging mas marami ang vitamins ng cerelac sa gulay?

No to cerelac. Junk food yan. Check mo yung chart sa bab para magkaidea ka. Atsaka 6 months ka magstart ng solif foods. Not unless nagpakita na siya ng sign na ready na siya at may go signal na ng pedia.

Post reply image
VIP Member

Preferrably 6 months po dapat si baby bago kumain at WAG PO CERELAC, junkfood po yan para sa baby. Mas maigi po STEAMED VEGGIES or FRUITS po.

VIP Member

No to cerelac. Junk food yang mga yan. Go for veggies and fruits

Check mo to mamsh baka makatulong 😊

Post reply image

3 times a day