Mga mommies may itatanong lang ako. Medyo kasi hirap ako ee. Ganito po kasi yun, every 10th & 25th of the month yung sahod ng hubby ko. Umaabot naman po 7k sahod nya sobra pa minsan. Nagpapadala naman po sya sakin, 1500 lang po kada sahod nya din. Pero po kasi nasa province ako at alam naman natin na mahirap talaga dito. Yung 1500 na yun dun ko po kinukuha pambili pagkaen ko although may pagkaen naman po dto pero yung need ko po talagang kainin binibili ko. Di ko lang po matipid kasi ako din bumiibili ng paunti unting gamit ng baby ko which is 7months pregnant na po ako. Nakakabili na po ako pero iilan palang at kulang na kulang pa talaga. Lagi po ko nagsasabi sa kanya na di ko matipid yung pera na pinapadala nya at minsan umaabot pa kami sa away. Mga sis may karapatan po ba ako maghanap ng pera nya kung san napupunta? Kulang na kulang po kasi talaga ee. Pati sa check up ko or kung may mga lab test ako mas lalong nahihirapan po ko.