Ano dapat gawin??
Hello po, ask ko lang. Ano po mafefeel niyo po kapag kinukwenta ng partner niyo yung pinapadala nya ng pera sayo? Every nagpapadala o magsasabi ako na kailangan ko magpacheck up may nasasabi po sya na parang di ako marunong magtipid. Pero yung pera pinapadala nya, ginagamit at binibili ko yun sa gamit ni baby at needs ko sa pagbubuntis. Kahit nag cracrave ako sa mga gusto ko pagkain diko binibili kasi nagtitipid ako iniintindi ko sya. Pinakamababa na padala nya 1k po, para lang sa foods ko na pinagkakasya sa 15days na never ko sinumbat. Pero sya may nasasabi about sa pera, kahit check up parang ayaw nya. Ps. LDR po kami