17 Replies

ako kasi sis nilalagay ko sa dibdib ko si baby ko pagtapos nya mag dede sakin. tapos dun na kami nakakatulog ng maayos kaso ang problema hanggang ngayon nakasanayan nya magwa one year na sya! o kaya kapag parang zombie kana sabihin mo sa mister mo na sya muna mag alaga kay baby. ganun din kasi ginagawa ng aswa ko dati ey. pag uwi nya galing work sya nag babantay sa baby namin hanggang alas dyes tapos ako na kapag naaantok na sya!

I-train niyo po si baby ng self-soothing skills para po kaya niyang matulog ng 7:30 pm onwards without interruption and para makapagpahinga din po kayo. Napanood ko lang din po yun sa vlog ni Ms. Isabelle Daza regarding sa baby niya. And try shifting with your hubby or kung sino man pong kasama niyo sa bahay, ikaw sa umaga then siya sa gabi/madaling araw.

If nagp-pump po kayo at hindi siya nagf-formula milk, pwede niyo po gamitin yung breast milk during the night para pwedeng iba ang mag-bottle feed sa kanya while you are taking a rest.😊

VIP Member

Normal po sa newborn babies yan mommy. 4months na nung umaayos tulog ni baby ko. Ginagawa ko lang non kapag tulog si baby sa umaga sinasabayan nung nasa bahay pa ko ng parent ko. Then nung lumipat na kami sa bahay ng lip ko after work nya sya magbabantay gang hating gabi, gigisingin lang nya ko kapag dede si baby.

pwede ka humingi ng tulong sa nanay mo pra pag araw gising baby mo may titingin sa kanya tpos mag alarm ka nalang pra padedehin sya kung breastfeed ka tpos sabayan mo nlng din sya ng tulog pag natutulog sya sa araw tsaka dapat walang maingay para mabawi mo yung puyat mo sa gabi ganyan talaga ang nanay na mahirap😉

Yun nga po ginagawa ko na lang sinasabayan ko tulog niya sa umaga para kahit papano makapagpahinga ako. Salamat po. 😊

VIP Member

kapag pinapadede ko c baby nakahiga kami kaya kahit nagdede cya maka idlip lng ako ng kahit kunti okay na. every hour kc nun gumigising c baby. at nag binge watching po ako ng mga movies nun kaya naalie nmn ako. ayaw ko kasi na iba yung nag aalaga ng baby ko except for my parents.

hi momsh.. for me di ko pina pa sleep straight 5 hours c baby sa daytime..yung tg 2-3hours sleep lang xa dpat..so dinidstruct ko like palitan ng diaper. para sa gabi po yong straight na tulog nya.. if di mag work sayo.. sabayan mo mag sleep sa daytime baby mo.. 🤗😊

humingi ng tulong sa mom mo para matulungan ka mag-alaga. pag ikaw lang talaga, mahirap yan, lalo at hindi pa stable oras ng tulog niya, maya't-maya ang poop wiwi niyan. kung nag-bbreastfeed ka, try mo siya sabayan matulog. mag-alarm kung kinakailangan.

oo bawi ka ng pahinga pag off ni hubby and weekends. hingi ka sa doc ng vitamins na pwede mo inumin, kumain ka ng masabaw at masustansya para hindi humina ang resistensya mo sa pagod at puyat. kaya mo yan sis!

hi mommy, with my 3 kids cmula pagkpanganak nila normal ang sleeping time nila. Ang gngwa ko kc ngpptay ako tlg ng ilaw, flashlight lng nkasindi.. pra pag ngpatay nko ng ilaw sleep na din cla.. try mo if it will work with your baby..

prayers 😐 na mkatulog sya.. i dunno if mtatawa ka or what. i had 4 kids, 16-12-7 & 6m0, un baby girl q 6 months na but un tulog q 4months plang 😄.. ganyan tlga, just be strong po..

Tulog ka din po pag tulog baby no :) Patulong ka rin sa hubby mo na bantayan si baby :)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles