Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Khal Prosper's Mom. FTM.
FALLING HAIR
Mommies, I need your help. BAKIT po kaya naglalagas hair natin? Sobrang nipis na po ng hair ko. ? Worst is, nakakain ng baby ko mga lagas kong buhok sa sobrang dami.? What should I do para kumapal na po ulit hair ko at hindi na maglagas? Breastfeeding po ako sa 4mos kong baby boy.
NO BCG SCAR
Kailangan po ba talaga magka scar ang BCG vaccine? Mag 2 months na po kasi pagkatapos mavaccine baby ko pero wala pong kung ano sa tinurukan sa kaniya.
HALAK
Ano po pwedeng gawin para mawala ang halak ng baby? Ano po tamang prevention para hindi na magkaroon pa ng halak? Worried lang po ako lay baby.
NOT ENOUGH SLEEP
Mga Mommies, I know napagdadaanan to ng lahat. FTM po kasi ako, 2weeks and some days pa lang baby boy ko. Hirap po at hina na ako dahil sa pagod at puyat. Sa mga experienced mothers po dito meron po ba kayong strategy na makatulog pa rin po ng normal even my newborn babies na po kayo? ?
FRESH EGGS
Mga moms, advisable and effective naman po ba ang pag-inom daw po ng fresh eggs para mas mapadali ang labor or pag papanganak?
PHILHEALTH MATERNITY
Mga Mommies pa-help po ano pagkakaalam niyo: Nalilito po kasi ako para maavail ko PH ko. Nagstop po ako sa work ko just this Sept.2018 due to pregnancy complication. Due ko will be on January 2019. What I know sa PH new regulation is need ang 9 months contribution prior to confinement. Kaya po plan ko sanang bayaran na lang ang Sept-Dec 2018 ko kahit isama ko pa ang January 2019 okay lang sa akin. Kaso nung pumunta na ako sa PH dito sa lugar namin is hindi daw ako makaqualify for PH coverage kahit bayaran ko raw po ang buong 4 months lapsed ko ng 2018. Need ko raw bayaran ang buong 2019 which is P2400 para maqualify raw ako. Bakit naman po ganun??? Naging walang kwenta pala ang ilang taon kong contributions at kahit willing ako bayaran ang lapsed months ko bago ako manganak. PLEASE HELP. ?