Gusto ko na makipaghiwalay sa asawa ko
Hi mga mommies, hingi po sana ako ng advise. Gusto ko na po makipaghiwalay sa asawa ko. Feeling ko po hindi nya na ko nirerespeto, Madalas akong napapahiya sa pamilya ko kasi kung satahin nya ko sa bagay na di nya nagustuhan sa harap pa ng pamilya ko, minumura nya ko sa harap ng pamilyo, pag nainis ako sa nga ginagawa nya mas galit pa sya sken, wala syang pakielam sa nararamdaman ko (physically and emotionally). may 1 kaming anak (1yr old) sa pag aalaga ng anak ako halos lahat kahit sa gabi na oras ng trabaho ko ako parin, naiintindihan ko naman po na hanap ako lagi ng baby ko lasi breastfeeding pero sana po naiisip nya ko puntahan baka need ko man lang mag CR, sa maghapon 1-2 lang nakakaihi kasi di ko maiwan baby ko mag isa at malikot. Ano po ba dapat ko gawin madalas kong maramdaman na nag iisa lang ako?