Which is better?

Hi mga mommies and daddies na nandito. Which is better? Maghiwalay na lang kaming mag asawa or stay for the baby. Ang situation kasi, nangingialam masyado yung biyenan ko sa pamilya namin. Sila nagdedecide ng lahat. I get it n sila tumutulong sakin ngayon sa pagbubuntis ko, i mean financially since nagresign ako sa work ko as adviced by my OB kasi hindi healthy yung environment. Currently nandito ako sa parents ko habang buntis kasi nahihirapan akong bumyahe nung nandun pa ko sa bulacan, ang layo kasi ng hospital. Then yesterday, magka videocall kami ng asawa ko, he mentioned "dito daw kayo pagkapanganak mo", sabi ko "dyan naman talaga kami diba? Pag pwede na bumyahe si baby uuwi naman talaga kami dyan" tapos my husband added "dito daw kayo ni baby tapos sa batangas ka daw magwowork". Sabi ko "edi dito na lang kami sa pasig, dito na lang din ako maghanap ng work. Liit pa ng baby natin ilalayo nyo na agad sakin" then I ended the call kasi offended na ko dun e. Tapos chinat ko asawa ko, sabi ko, "ikaw nga na ganyang edad mo, ayaw ka pa malayo ng nanay at tatay mo sa kanila tapos yung anak natin na pagkaliit pa, ilalayo nyo agad sakin. Tsaka mama ko hindi nangingialam kung saan ako magwowork. Andyan sila for guidance, hindi para magdecide sa pamilya natin. Nagbibigay din naman family ko ng panggastos ko sa lahat, so paano kung sinabi nilang dito kami sa pasig, pano na? Pamilya natin to, tayong dalawa ang magdedecide para sa family natin, pwede tayo humingi ng guidance or advices sa kanila but not dictate kung saan ako magwowork, kung saan si baby or kung anuman. They can have their opinion pero not decision" Am I wrong for being harsh sa asawa ko kasi naoffend ako? Or tama po ba? Napapaisip kasi ako e, okay kayang dito na lang muna ko kasi pakiramdam kong mangingialam sila sa pagpapalaki ng baby ko, or mas mabuting uuwi ako dun sa kanila?

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same situation tayo momsh yung nangingialam yung family ng asawa sa pamilyang binubuo naten gusto nila sila yung masunod porket sila yung gumagastos sa pagbubuntis naten ang mas nakakaoffend ay yung hinahayaan sila ng asawa naten na mangialam at sila yung masunod knowing na pamilya naman naten yun. Ako nmn dito nakatira sa in -laws ko gusto kong umuwe samin pero hindi nila ako pinapayagan pati ng asawa ko kahit daw pagkapanganak ko dito daw kame pero mas gusto ko sa pamilya ko dahil mas komportable ako at mas maaalalayan ako pagkapanganak ko lalo kung macs ako e dito sa pamilya ng asawa ko hindi ako komportable ewan ko ba kahit ang tagal ko ng nakatira dito hirap parin akong makisama sa kanila siguro isa na yun na iba yung salita nila samin kapampangan sila ako tagalog tsaka sa ugali nila. Gustong gusto ko talagang umuwe sa pamilya ko lalo na pagkapanganak ko pero ayaw nila pero bahala na kapag di ko kaya uuwe talaga ko samin lalo na't hindi nmn nila ako maaalalayan sa pag aalalaga ng anak ko at kung macs ako hindi nmn sila yung mahihirapan kaya mas mabuti ng isipin ko yung baby ko at yung sarili ko kesa sila.

Magbasa pa