Which is better?
Hi mga mommies and daddies na nandito. Which is better? Maghiwalay na lang kaming mag asawa or stay for the baby. Ang situation kasi, nangingialam masyado yung biyenan ko sa pamilya namin. Sila nagdedecide ng lahat. I get it n sila tumutulong sakin ngayon sa pagbubuntis ko, i mean financially since nagresign ako sa work ko as adviced by my OB kasi hindi healthy yung environment. Currently nandito ako sa parents ko habang buntis kasi nahihirapan akong bumyahe nung nandun pa ko sa bulacan, ang layo kasi ng hospital. Then yesterday, magka videocall kami ng asawa ko, he mentioned "dito daw kayo pagkapanganak mo", sabi ko "dyan naman talaga kami diba? Pag pwede na bumyahe si baby uuwi naman talaga kami dyan" tapos my husband added "dito daw kayo ni baby tapos sa batangas ka daw magwowork". Sabi ko "edi dito na lang kami sa pasig, dito na lang din ako maghanap ng work. Liit pa ng baby natin ilalayo nyo na agad sakin" then I ended the call kasi offended na ko dun e. Tapos chinat ko asawa ko, sabi ko, "ikaw nga na ganyang edad mo, ayaw ka pa malayo ng nanay at tatay mo sa kanila tapos yung anak natin na pagkaliit pa, ilalayo nyo agad sakin. Tsaka mama ko hindi nangingialam kung saan ako magwowork. Andyan sila for guidance, hindi para magdecide sa pamilya natin. Nagbibigay din naman family ko ng panggastos ko sa lahat, so paano kung sinabi nilang dito kami sa pasig, pano na? Pamilya natin to, tayong dalawa ang magdedecide para sa family natin, pwede tayo humingi ng guidance or advices sa kanila but not dictate kung saan ako magwowork, kung saan si baby or kung anuman. They can have their opinion pero not decision" Am I wrong for being harsh sa asawa ko kasi naoffend ako? Or tama po ba? Napapaisip kasi ako e, okay kayang dito na lang muna ko kasi pakiramdam kong mangingialam sila sa pagpapalaki ng baby ko, or mas mabuting uuwi ako dun sa kanila?