I JUST FEEL THE NEED TO LET THIS OUT

G2P1 ako, since nakunan ako sa unang pagbubuntis ko. All went well nung ikalawang pagbubuntis ko even though sabi ko sa asawa ko, uuwi muna ako samin. Nawalan kasi ako ng work since super selan ko magbuntis at ayaw pa kong bigyan ng OB ko ng fit to work clearance. Sabi ko, uwi muna ko sa amin, sa Pasig, medyo uncomfy ako sa bahay nila since wala akong income, feeling palamunin ako, tsaka hindi kasi naniniwala msyado sa side nya na kailangan agad agad magpatingin sa OB kapag may gusto akong ipacheck up. Sanay sila sa "normal lang yan", "okay lang yan", "oo ganyan din ako nung buntis ako" kaya nawala din ung unang pagbubuntis ko kasi dinugo ako at ayaw nila na pumunta ako sa OB dahil nga normal lang daw, wag daw ako masyadong matakot. During 2nd pregnancy ko, all is fine naman, andyan yung constant comms namin ng asawa ko, constant check up nya sakin/samin, update and everything. Ang ayaw ko lang during my pregnancy, nagdedecide ang nanay nya sa mangyayari sa pamilya namin after ko manganak. Literally. "Sabi ni nanay, dito mo daw iwan si baby para makapagwork ka sa Batangas" ayan mismo ang sinabi ng asawa ko sakin 6 months pregnant ako that time. I abruptly ended the call kasi I feel offended. Bakit sya nagdedecide para sa pamilya namin. Imagine, maiiwan sa Bulacan ang baby ko, tapos sa Batangas ako magwork kasi un ung gusto nila? Mga 5 days ko talagang hindi kinausap asawa ko nun. Nung tinanong nya na ko kung ano problema ko, sinabi ko "bakit sila ang nagdedecide para sa pamilya natin? Kung ganun pala edi dito na lang kami ng anak natin" tapos he made excuses para lang maipagtanggol ang nanay nya. Come 7months going 8, naka log in sakin kasi ang messenger ng asawa ko, early ako matulog nun, mga 7pm pa lang. Nagising ako 2am,need ko umihi. Aba't ng galing, may ka-sex chat, at nagpapagawa pa ng dummy acct para dun pa daw sila magusap. I felt violated na po sobra pero he begged, nagmakaawa sya na hindi na nya uulitin, nadala lang daw sya since magkalayo nga kami and hindi ko kasi sya ineentertain sa mga panlilibog nya sakin. So okay, I gave him another chance, since mahal ko at ayoko na masira pamilya namin. So ayun, bumalik na kami sa dati, sya na mismo lumayo sa mga babaeng nagchachat sa kanya. Gave birth October 2022, sya pa nagasikaso sakin nun at nagdadala ng foods habang nasa NICU kami ni baby. As in mararamdaman talaga kung gaano sya kasaya na nakalabas na baby namin. New Year, January 1, kung hindi ko pa sya tatawagan at iggreet ng happy new year, hindi pa nya kami maaalala. Sabi ko, pahintayin ko lang maka 3-4 months bago ibyahe si baby pauwi sa kanila, sa probinsya. Okay naman daw, wala daw problema. Pero mid-January, wala na. Hindi na sya nangangamusta, ako na lang naguupdate sa kanya, ako na lang una nagchachat sa kanya, parang wala na kami sa kanya. I confronted him, sabi nya, hindi sya sanay sa ldr. So I gave him assurance na konting buwan na lng, uuwi na kami dyan, konting tiis na lang. Kasi I won't risk my baby's health especially if hindi pa sya inallow ng Pedia nya since maselan ang Condition ng baby namin. He understood naman pero di na talaga sya bumalik sa dati. Hanggang sa nasanay na kong hindi sya kausap, hindi na sya nagpapadala, wala na syang pangangamusta kahit sa baby man lang namin. Tapos March 31st, nalaman ko may bago na syang jowa. Hindi ko pinilit ung sarili ko at anak namin kasi may sarili syang isip. So I blocked him sa lahat ng accts ko, leaving one account na wala syang makukuha kahit isang picture or update sa anak namin. Just this May 16th, nagreach out sya, nangangamusta kasi nabalitaan nya na kailangan ng operation ng baby ko. Mgpapadala daw sya ng pera. Nalate lang ako ng reply, sinabihan ba naman ako "napakataas ng pride mo. Magpapadala na nga ako, ganyan ka pa." Ang feeling ko tuloy sinumbat nya sakin na magbibigay sya ng pera para sa anak namin, so sabi ko "gastusin mo yan sa jowa mo, wala kang makukuhang update samin" Tapos nung medyo kalma na ko, nagchat sya ulit, dun nya n sinabi lahat, nagsisisi sya samin ng anak ko, na kami ang dahilan bakit nawalan sya ng pagkabinata, na hindi nya na talaga ko mahal simula nung buntis pa lang ako pero inisip nya yung anak namin kaya hindi nya talaga ko maiwan, at nagagamit/namamanyak nya ko nung mga panahon na umuuwi pa sya dito samin nung buntis ako kahit kasi sinabi kong ayaw ko, nagagalaw nya pa rin ako. His words shattered me into pieces especially nung sinabi nyang nagagamit nya ko. Parang ang dumi dumi kong babae tuloy. I was there nung super down sya because his father left her mother for another woman, tapos sabi nya "hinding hindi ako magiging katulad ni tatay" but look at what he did. I am always supporting him, emotionally and mentally, whenever he needed some support pero nung ako nangailangan, wala sya. Now my baby is 7months old, dahil nga medyo nakaka ahon na kaming dalawa, gusto na ulit pumasok sa buhay namin ang asawa ko. Alam nyo yun? I don't want to give him the privilege na umalis at pumasok ng kusa sa buhay ng anak ko - ayokong masaktan ang anak ko the way he did with me, pero gusto ko rin sana mabuo kami. How should I deal with my self? Ayoko masaktan anak ko pag bigla lang syang aalis ulit, pero ayoko rin ipagkait na maranasan ng anak ko ang isang buong pamilya.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Base sa mga pangyayari mii. For me, for me lang ha. Wag na, stop na. Kase ako bilang ina na nasaktan din at naiwan din nuon nung mga panahong buntis as long as kaya mo mag isa di mo kelangan ng taong dadagdag lang sa burden mo. Surely, madadamay din ang anak mo pagdating sa sakit at disaappointment. Di ko pinupush na maghiwalay kayo pero open your eyes and mind. Di kayo tanggap at kayo pa sinisisi WTF so anu lang yung anak na ginawa nya????? out of L?? Sorry medyo harsh. Sobrang nakakainis lang the nerve na magsabi sya na ganon. Kahit ako nasaktan sa nabasa ko. Di ko deserve. - Ito lang, may mga lalaki na kayang magpakatatay sa mga anak kahit hindi sakanila kung mahal ka talaga. Wag kang matakot na baka mawalan ng tatay anak mo mas kailang mo pa yatang matakot sa tatay nya dahil may hidden regret sya eka nga nya sainyo. Move on momsh. KAYA MO YAN!

Magbasa pa
2y ago

hi mi. thank you po dito. actually nag abstain muna ako sa cp para magisip na rin at mag focus sa baby ko upon posting this. i found out na dahil nga may comms pa kami nung guy kaya nacoconfuse din ako kung ano ba talaga gusto ko. and withing 2wks time na hindi pag gamit ng cp, naisip ko at nakita ko na kaya kong wala sya basta focus ako kay baby, na kaya ko nman buhayin baby ko ng ako lang. and sa pag realize ko nun, sabi sakin ng mama ko na andyan sila para tulungan kami. thank you so much po mi sa pag comment, naappreciate ko ng sobra ❤️

VIP Member

Co-parenting.