Usapang Pera

Hello mga mommies. Curious lang po ako kung binibigyan kayo ng hubby nyo ng pera tuwing sumasahod sila? Share ko lang din po iniisip ko. Both working kami ng hubby ko. Every 15 abg sahod namin. Estimate na salary is 8k each. Eto po ang break down ng sahod nya: 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga) 2000 budget nya sa work Excess sa mama nya na Eto po budget ko sa sahod ko 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga every sahod po tig 3k kami) 2000 grocery sa bahay since wfh ako 1900 wifi Excess savings namin. Hindi po kasi ako kasali sa budget ni hubby kaya medyo masakit din dahil ako ang asawa nya pero mas nauuna nya pa ibigay ang pera sa mama nya. Kahit po ang budget bya para kay baby di nya po ibibigay kubg hindi ko hihingiin πŸ˜” Ang sakin po okay lang naman po sya magbigay sa mama pero wag naman po lagi (?) Tama po ba? Ilang beses ko na po inoopen sakanya kaya labg dedma lang sya. Nahihirapan po kasi ako magipon. Ang sabi nya noon bago kami ikasal mag iipon kaming dalawa para sa bahay namin (nakatira po kami ngayon sa parents ko medyo nahihiya narin ako kasi tinatanong na din ako nila mama kung kailan namin balak magpabahay.) Any suggestion po or ways para mas mapag usapan namin ng maayos ang hatiaan sa sahod or tama na po yung gantong set up? Please help po. Wala pa kaming sariling bahay neto pano nalang kung bumukod po kami parang ako lahat gagastos πŸ˜”

83 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis,upuan nyo po yan..mag usap kayo ng masinsinan..baka po kasi kapag kinakausap mo sya or sinasabi mo sa kanya ang bagay na yan e busy sya,or papasok na sya sa work kaya nadedeadma..saka mahaba habang usapan po yan kc involve ang parents..on the other hand kung tutuusin dapat priority na nya is kayo..kasi kayo na ang pamilya nya,magbigay paminsan minsan sa family ok lang..hindi masama pero wag naman lagi..wag naman madalas..kasi may sarili ng pamilya..kausapin mo po ng maayos..hindi po tama yung ganyang set up..for me lang po ha?!kasi ang asawa ko sa totoo lang mamshie hindi ko kinukuha atm nya,hindi ko rin alam kung magkano sinasahod nya,at hindi ko nahahawakan sahod nya..never..ever since..hindi ako nakialam ng sahod nya kc I know that he is responsible enough para maisip na marami kami gastusin lalo ngaun dalawa na baby namin..isang 9 and 2months old..alam nya mga dapat nya bilhin,alam nya needs namin especially ng mga bata..kaya no need ng sabihin sa kanya yon..dapat matik na..kasi may anak sya..πŸ˜‰sana maayos mo yan mamshie..goodluck!

Magbasa pa
Related Articles