Usapang Pera

Hello mga mommies. Curious lang po ako kung binibigyan kayo ng hubby nyo ng pera tuwing sumasahod sila? Share ko lang din po iniisip ko. Both working kami ng hubby ko. Every 15 abg sahod namin. Estimate na salary is 8k each. Eto po ang break down ng sahod nya: 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga) 2000 budget nya sa work Excess sa mama nya na Eto po budget ko sa sahod ko 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga every sahod po tig 3k kami) 2000 grocery sa bahay since wfh ako 1900 wifi Excess savings namin. Hindi po kasi ako kasali sa budget ni hubby kaya medyo masakit din dahil ako ang asawa nya pero mas nauuna nya pa ibigay ang pera sa mama nya. Kahit po ang budget bya para kay baby di nya po ibibigay kubg hindi ko hihingiin ๐Ÿ˜” Ang sakin po okay lang naman po sya magbigay sa mama pero wag naman po lagi (?) Tama po ba? Ilang beses ko na po inoopen sakanya kaya labg dedma lang sya. Nahihirapan po kasi ako magipon. Ang sabi nya noon bago kami ikasal mag iipon kaming dalawa para sa bahay namin (nakatira po kami ngayon sa parents ko medyo nahihiya narin ako kasi tinatanong na din ako nila mama kung kailan namin balak magpabahay.) Any suggestion po or ways para mas mapag usapan namin ng maayos ang hatiaan sa sahod or tama na po yung gantong set up? Please help po. Wala pa kaming sariling bahay neto pano nalang kung bumukod po kami parang ako lahat gagastos ๐Ÿ˜”

83 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parang nahihirapan ako sa sitwasyon nyo mommy๐Ÿ˜Š..Hindi ko nman alam ang sitwasyon kaya hindi ako pwedi mag judge..Para sa akin, makakaipon kayo dahil pareho kayong maytrabaho dapat kasi may breakdown kayo sa sahod nyo for savings para makapagtayo kayo ng bahay.Hindi nman masama magbigay sa magulang kung my extra dapat may priority kayo sa sahod nyo..Dapat nyo pong pag usapan nyan nakakahiya din makitira sa parents lalo nat mag asawa kayo at may trabaho pa kayo both๐Ÿ˜Š. In my situation po momshie lucky din ako hindi pa kami kasal ng bf ko magkakababy palang kami huminto na ako sa work 1 yr.na pinag open accnt nya ako para every sahod nya meron din sakin.Think positive lang tapos pray kapo mag usap kayo ng nasa goodmood kayo para maayos..

Magbasa pa
Related Articles