Usapang Pera

Hello mga mommies. Curious lang po ako kung binibigyan kayo ng hubby nyo ng pera tuwing sumasahod sila? Share ko lang din po iniisip ko. Both working kami ng hubby ko. Every 15 abg sahod namin. Estimate na salary is 8k each. Eto po ang break down ng sahod nya: 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga) 2000 budget nya sa work Excess sa mama nya na Eto po budget ko sa sahod ko 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga every sahod po tig 3k kami) 2000 grocery sa bahay since wfh ako 1900 wifi Excess savings namin. Hindi po kasi ako kasali sa budget ni hubby kaya medyo masakit din dahil ako ang asawa nya pero mas nauuna nya pa ibigay ang pera sa mama nya. Kahit po ang budget bya para kay baby di nya po ibibigay kubg hindi ko hihingiin 😔 Ang sakin po okay lang naman po sya magbigay sa mama pero wag naman po lagi (?) Tama po ba? Ilang beses ko na po inoopen sakanya kaya labg dedma lang sya. Nahihirapan po kasi ako magipon. Ang sabi nya noon bago kami ikasal mag iipon kaming dalawa para sa bahay namin (nakatira po kami ngayon sa parents ko medyo nahihiya narin ako kasi tinatanong na din ako nila mama kung kailan namin balak magpabahay.) Any suggestion po or ways para mas mapag usapan namin ng maayos ang hatiaan sa sahod or tama na po yung gantong set up? Please help po. Wala pa kaming sariling bahay neto pano nalang kung bumukod po kami parang ako lahat gagastos 😔

83 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sakin po binibigay lahat pati atm.. un nga pag kakaiba naten di ako nag wowork pero raket raket lang hihingi lang sya ng baon nya at papabili ng gusto kung kaya ko bigay... sa totoo lang dapat pinag uusapan nyo ung hatiaan sa pera eh dapat kalahati ng sweldo ng asawa mo binibigay seo, at dapat di n keo nag bibigay sa parents nyo kasi di nyo na sila obligasyon pwera nalang kung talagang kailangan ok ang minsan na pag aabot sa magulang wag yung every sweldo kasi may pamilya na tayo sabi nga ng nanay ko sakin tulungan mo kmi pag ok na buhay nyo kasi ayokong pati kami maging pabigat sa inyo ganun din biyenan ko.. kaya nakapundar kmi ng bahay at sasakyan dhil sa gusto nila kami umasenso muna.. ngayon kung nakatira keo sa parents mo dapat mag bigay keo talaga dun.. kasi nakakahiya kung hindi pero ang gara lang n magbibigay din sya s parents nya para patas kasi nagbibigay ka din s parents mo... asawa ko una ganyan ayaw bumukod only child kasi eh, wala ako magawa kaso naiisip ko pano kami makakapamuhay ng kami lang pano nmen malalaman yung buhay na mag asawa kung di kmi bubukod di sa selfish ako dhil nag iisang anak sya ang gusto ko lang tumayo sya sa sarili nyang paa kasi bumuo n sya ng pamilya eh dapat panindigan nya diba. lagi ko nun sinasabi "palibhasa kasi di mo kami kayang buhayin kaya gusto mo libre tirahan mo patunayan mo na kaya mo kaming buhayin" lagi ganun ako, buti nga di nag sawa sken ako pa din pinakinggan. bigyan mo lang time tapos tanong ka anu balak nya paglabas ng baby nyo kasi nakakahiya sa magulang mo kung mag tatagal p keo jan sana kmo mkapag bukod kayo para maramdaman nyo buhay ng mag asawa di ka kamo nag mamadali makapanganak ka lang at bago mag 1yr yung bata o after pwede n keo bumukod.. 😊 wag mo stressin sarili mo dadating din yan

Magbasa pa
Related Articles