Usapang Pera

Hello mga mommies. Curious lang po ako kung binibigyan kayo ng hubby nyo ng pera tuwing sumasahod sila? Share ko lang din po iniisip ko. Both working kami ng hubby ko. Every 15 abg sahod namin. Estimate na salary is 8k each. Eto po ang break down ng sahod nya: 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga) 2000 budget nya sa work Excess sa mama nya na Eto po budget ko sa sahod ko 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga every sahod po tig 3k kami) 2000 grocery sa bahay since wfh ako 1900 wifi Excess savings namin. Hindi po kasi ako kasali sa budget ni hubby kaya medyo masakit din dahil ako ang asawa nya pero mas nauuna nya pa ibigay ang pera sa mama nya. Kahit po ang budget bya para kay baby di nya po ibibigay kubg hindi ko hihingiin ๐Ÿ˜” Ang sakin po okay lang naman po sya magbigay sa mama pero wag naman po lagi (?) Tama po ba? Ilang beses ko na po inoopen sakanya kaya labg dedma lang sya. Nahihirapan po kasi ako magipon. Ang sabi nya noon bago kami ikasal mag iipon kaming dalawa para sa bahay namin (nakatira po kami ngayon sa parents ko medyo nahihiya narin ako kasi tinatanong na din ako nila mama kung kailan namin balak magpabahay.) Any suggestion po or ways para mas mapag usapan namin ng maayos ang hatiaan sa sahod or tama na po yung gantong set up? Please help po. Wala pa kaming sariling bahay neto pano nalang kung bumukod po kami parang ako lahat gagastos ๐Ÿ˜”

83 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sorry sis pero hinde ideal yan ganyan๐Ÿ˜ข . ang mag asawa kelangan na humiwalay sa parents pati gastos. dapat build your own family and home na since may baby na po kau. dapat hati kau sa mga gastos ng mga bagay na hinde pang personal. Ako actually hinde ako nanghihingi ng pera sa lip ko kahit n magkakaanak na kame, may times lang pero pabiro lang un or pangmerienda mga 100 pesos barya barya lang๐Ÿ˜…. pero pareho kame naginnsist na magkaron kame ng monthly savings (and account), savings para kay baby, at 50/50 sa lahat ng gastos sa bahay (mandatory un).. mag 7 years n kame pero never ko binantayan sahod nya at lalong wala ako balak kunin ang ATM nya๐Ÿ˜…. asan nalng ang pagiging padre d pamilya nya kung kukunin ko lahat ng dapat ii obligasyon nya.. sapat na saken ung tulungan kame, hinde ko iniisip ung mga extra money na ibigay nya sken as a reward hinde ako nagdedemand nagwowork ako at pinuprovide ko un sa sarili ko.๐Ÿ˜Štamang pag uusap at agreement lang sis..stretch your budget base on your set of priorities as a family. work as a team๐Ÿ˜Š. masaya ang pamilya sis lalo na pag hinde pera ang laging issue..

Magbasa pa
Related Articles