Formula milk
Hello mga mommies, ask ko lang po who among you here ang hindi po nakapag’breastfeed sa baby nila? Formula milk po agad. Medyo self pity po kasi ako now eh. Feeling ko wala akong kwentang ina ???
Me too. Since nung pinanganak ko ang baby boy ko nung February, bottle feeding kami. Nag try ako mag breastfeed sa knya but konti lang talaga ang nakukuha nya and naiyak sya kapag nabibitin. I tried to take some medicine like malunggay capsule and mga pagkain na masasabaw na makakapag pagatas, pero konti lang talaga ang nalabas. May times na na gu-guilty ako dahil hindi man lang nya na experience totally na mag breastfeed sa akin pero ayaw ko naman na mabibitin sya at iiyak dahil kulang ung makukuha nya sa akin kaya ito bottle feeding kaming 2. Kahit hindi ko sya napa breast feed, I'll make sure na pag makakain na sya ng mga solid foods, more on gulay kami, take ng vitamins and mga check up. What important to me is maging normal and healthy sya sa kanyang pag laki.
Magbasa paHello mommy.ako rin nga frustrated din ako.pero inisip ko n lng that i have to take care of myself pra.maalagaan.ko ng maayos c baby.she needs u more than she needs ur breast milk!mental health is the problem.every pump ko maswerte n ako s 2oz.same kmi ng sister ko nanganak nauna lang sia ng one month.pero sia nkakabreastfeed.and i cant help myself from comparing.myself to her.it just fuel my depression.with the help of my husband.i accept the fact na i cant give the liquid gold to my lo.but i want to give the best care in the world by being happy in my entire motherhood.
Magbasa paDon't feel guilty momshie Ang importante maibigay mo Ang kailangan ng baby mo which is milk regardless Kung breastfeeding man o using formula. Kesa ipilit mo pa breastfeed Ang LO mo then magugutom siya dun ka makaramdam ng guilt, yung may choice para mabusog LO mo pero ayaw mo gawin dahil sa ego mo or sa sasabihin ng ibang tao. Be yourself Yun Ang way para maalagaan mo ng mabuti Ang LO mo. Love comes out naturally especially to mother's like us..
Magbasa paAko naman sis until now I'm still frustrated baka mamaya wala akong milk kasi flat chested ako :-( so now palang iniisip ko na na pwedeng di ako makapag breastfeed. Pero sabi nga nila, even though di ka makapag breastfeed basta inaalagaan mo ang anak mo it's more than enough. May babae talagang di nabiyayaan magpadede.
Magbasa paAko din mommies 2 months ko lang napadede baby ko kasi balik nako sa manila for work. Nakakaguilty at nakakalungkot pero enassure ko naman na yung formula milk ni baby is the best talaga para sa kanya since wala ako sa tabi niya para kahit papano maganda yung gatas na iniinom niya .
naghanap talaga ako ng ganitong post kasi akala ko ako lang yung ganito. sobrang nakakalungkot talaga na hindi ko ma breastfeed baby ko. malapit na syang mg3mos pero ang sakit2 parin isipin na hindi ko sya ma bigyan ng gatas na galing sakin. 😢😢😢
I feel you po. Ganyan din nararamdaman ko. Tapos halos kinukumpara ko lagi yung katawan ng baby ko sa katawan ng mga baby na halos kasabayan lang nya pinanganak. Naiinggit ako kasi parang napag iiwanan yung katawan ng baby ko dahil nakakapagbreastfeed sila. Samantalang yung sa akin ayaw nya dedein. Kaya nagformula na lang din sya.
Ako din hindi ko kinaya dahil ang sakit nagsusugat na tapos nilalagnat na ako tapos konti naman yung milk na lumalabas. Sabe nila sa una lang daw kaso nilalagnat na kase ako parang pakiramdam ko hindi ko mapapalakas ang katawan ko.
Ok lng yan mommy. Mix po baby ko since ng day 5 siya. Di talaga kinaya ng breastmilk production ko sa needs niya. Iyak ng iyak pag nakulangan ng milk. So ayun.. ok lang yan, gagawin naman talaga natin lahat para sa anak natin.
Ako po pure breastfeed 5 months na yung baby ko,awa naman ng diyos malakas yung gatas ko siguro dahilna rin 3l of water ako everyday..pero pinush ko tlaga to dahil sa panganay ko formula milk siya at wala kami budget ngayon.
Momshie wag k mstress di lng ikaw gnyan ang problem mdmi dn gnyan di k ngiisa. Me inisip ko nlng di ako nbiyayaan ng msganang mggatas ginawa ko dn lhat ngpump manual at electric sadyang mhina e kya wag n mmroblema
Dreaming of becoming a parent