Stress-free
Hello mga mommies, ask ko lang kung ako lang ba yung ganito? Minsan sobrang lungkot ko, at nagguilty ako sa tuwing umiiyak ako. Tina-try ko ihold back pero mas masakit kapag hindi ko iniyak. Feeling ko wala nakakaintindi sakin, lagi sinasabi wag ako umiyak, wag ako magpa-stress. Pero the more pinipigilan ko, mas nasstress ako. Any tips pano nyo napapanatili stress-free pregnancy nyo? #firsttimemom

Same mommy 😥 Hindi ako malungkot pero there is this feeling na di ko maipaliwanag talaga. (iniisip ko nlang walang permanent sa mundo, lilipas din to. i should not focus in my emotion ) Sinasabi ko naman sa husband ko na "I don't feel me, I feel different" sinasagot lang nya ako na "it's because of pregancy hormones" pero ginagawa nman ni hubby lahat to make my pregnancy easier hindi lang niya alam pano ako e comfort and i don't like talking to other people khit friends ewn ko ba ano to mga pagbabago sakin (naiirita ako mkipag usap sa ibang tao) Wag mo po pigilan, understand how you feel tapos maging busy ka po. I realized din kasi na kapag walang ginagawa the more na nagfofocus tayo sa emotion natin eh. What I do to divert my thoughts nanunuod ako nga mga happy vlog kagaya ng kay Small Laude, I read nonfiction books (more on meditation to understand what I feel), having pets also remove stress (palagi tumatabi sa bump ko yung pusa tapos sinisipa ni baby) 😊 first time mom too!! naninibago ako sa pregnancy body huhu
Magbasa pa
Una po kailangang matanggap ninyo at ng mga taong nakapaligid na normal pagdaanan ang iba't ibang emosyon at stress. Ang nakakatulong po sa kin, yung pagiging vocal. Pwedeng may kausap or kapag po sinusulat ko sa journal. Importante po kasing mailabas natin yung saloobin. Gaya ng sabi mo mas stressful kapag kinikimkim lang. Tapos po andiyan din yung epekto ng hormones kaya minsan pakiramdam natin extra sensitive tayo na dati e hindi naman. Okay lang din po yun. Ang mahalaga wag tayong mahiya humingi ng tulong kung kailangan talaga.
Magbasa paMinsan ganyan din ako kasi kung ano ano iniisip ko. So think happy thoughts sabi ko sa sarili ko. Nililista ko mga bagay na dapat kong ipagpasalamat sa Diyos at nagiging ok ako.
Lumabas labas ka minsan sis. Wag ka magkulong sa bahay niyo. Kung di ka nman maselan at nkabed rest,gala2x ka kahit once a week lang para malibang ka.