Stress-free

Hello mga mommies, ask ko lang kung ako lang ba yung ganito? Minsan sobrang lungkot ko, at nagguilty ako sa tuwing umiiyak ako. Tina-try ko ihold back pero mas masakit kapag hindi ko iniyak. Feeling ko wala nakakaintindi sakin, lagi sinasabi wag ako umiyak, wag ako magpa-stress. Pero the more pinipigilan ko, mas nasstress ako. Any tips pano nyo napapanatili stress-free pregnancy nyo? #firsttimemom

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Una po kailangang matanggap ninyo at ng mga taong nakapaligid na normal pagdaanan ang iba't ibang emosyon at stress. Ang nakakatulong po sa kin, yung pagiging vocal. Pwedeng may kausap or kapag po sinusulat ko sa journal. Importante po kasing mailabas natin yung saloobin. Gaya ng sabi mo mas stressful kapag kinikimkim lang. Tapos po andiyan din yung epekto ng hormones kaya minsan pakiramdam natin extra sensitive tayo na dati e hindi naman. Okay lang din po yun. Ang mahalaga wag tayong mahiya humingi ng tulong kung kailangan talaga.

Magbasa pa