duphaston
mga mommies ano po ang reason kapag niresetahan ng pampakapit pero hindi naman nag spotting? posible kaya na mababa ang matres? wala kasing sinabing reason si ob, basta nagreseta lang ng duphaston for 2 weeks.

madami possible reason sis kung bakit ka niresetahan ng duphaston ng ob mo. pedeng low lying ang placenta mo. or may subchorionic hemorrhage ka (bleeding sa loob ng matres) or may history ka ng miscarriage, or mababa lang talaga ang progesterone mo, or you have threatened pregnancy.. sa case ko kasi ang main reason is humihiwalay ung placenta ko sa uterine wall. kaya threatened ang pregnancy ko. bedrest ako at 3x a day ng duphaston! better if ma clear out mo sa ob mo kung ano ang reason bakit need mo magtake niyan para di ka nanghuhula sis...
Magbasa pa


Preggo