Hemorrhoids

Hi mga mii. Normal lang ba na lumabas yung hemorrhoids pag buntis, kahit di naman na ako kumakain ng maanghang na foods? Sobrang sakit kasi hirap gumalaw 😭 ang hapdi nya sobra. Di rin makatulog ng maayos. Ano ba pwede gawin para mawala pamamaga?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nun mi after talaga manganak talagang lumabas sya lalo at sobrang hapdi nya kaya hirap na hirap ako umupo at makatulog kasi kumikirot sya, try mo maglagay ng half na mainit na tubig sa arinola mo kung meron ka at lagyan mo ng asin upuan mo lang sya medyo mainit lang naman kasi yung singaw ng mainit na tubig pero tiis lang mi tapos after po nyan ibalik nyo papasok sa loob. effective sakin kasi after non wala na talaga yung pain at talagang pumasok sya paloob. Sana effective din sayo pero try mo rin. Wag kana lang din siguro sobrang tagal uupo pag masakit sya tayo ka tapos upo ulit lalambot po yan tapos itulak mo paloob.

Magbasa pa
VIP Member

yes its normal mi, external hemorrhoids may cream po na ginagamit para dyan ask nyu po c OB.uminom po nang maraming water at kumain nang pang pa soft nang popo iwasan din mga food na nag papa tigas nang poop, wag po persahin ang pag popo wag din laging nakaupo mas ok pa yung humiga ka sa left side nakakatulong yan pag constipated ka.

Magbasa pa

yes. normal talaga. kaya ako nun di pwede dehidrated para di pwersado ang poops kapag matigas. inom ka lang din maraming tubig para ma lessen. gqnun kasi sakin.

Sad to say mi, yes normal. Kasi napupush ni uterus yung rectum 😅 ask mo po sa ob mo kung anong pwedeng remedy

Pareseta ka po sa OB mo ng ointment. Sakin po dati niresta factu ointment. Nawala po yung sakit.

VIP Member

Not normal but common/prone.