Just Asking

mga mii ask lang po , if naka poop po ba si baby sa loob ng tiyan ni mommy , need ba iadmit or pwede irelease agad after NBS , may lumalabas din po na dugo sa ari(babyboy) , ang sabi ng midwife normal lang daw po yun . sa lying in nanganak pinsan ko June 26 ng gabi nanganak sya , june 28 ng tanghali pinauwi na po sila after NBS , june 28 ng gabi namatay si baby 😭😭 di po nila alam gagawin kasi FTParents , pwede po ba nila ireklamo ang lying in or hindi po ? kasi madami nag sabi na hindi po dapat agad irelease ang baby na nakapoop tsaka my dugo na lumalabas sa ari . dami nagsasabi na may kapabayaan daw ang lying in kaya sabi nila ireklamo daw . sobrang awang awa ako sa pinsan ko , yung excited sila pero biglang nawala yung baby sa kanila 😭😥

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

As per may experience po,ung first born ko nka poop na dn sa loob ng tummy ko bago sya nailabas and diretso agad siya ng NICU. Binigyan sya ng antibiotics for infection dahil dun sa na-inhale na poop. Mukhang dapat diniretso sa baby sa malaking hospital na may NICU para sana ma monitor. Much better po mag consult kayo sa pedia or ma pa autopsy si baby para malaman cause of death from there malalaman nyo po if may negligence ang lying in. Condolence po.

Magbasa pa
2y ago

As for the blood naman po, may nbbsa ako dto as well sa google na normal sya for newborn baby girl. False menses in newborn po ang tawag. Not sure po sa baby boy na newborn Pero ultimately, para sa baby na naka inhale ng poop, di man need mabigyan ng antibiotics if konti lang nainhale, sana atleast na monitor sya for at least 24 hrs bago naidischarge para lang maclear out na wala tlgang problema. For me lang po, it is better po to seek help po kasi mukhang may mali tlga. Start nyo po sa barangay. And then iguide naman nila kayo if ano need gawin.