Sharing My Experience

(Mejo mahaba lang po. hehe) 'June 26 is my Due date. June 21, Nagpacheckup ako sa lying in. Ang sabi sakin mataas pa ang tiyan ko, kaya lakad lakad pa daw ako. Niresetahan na rin ako ng evening primrose and Buscopan. Binigyan din ako ng referral para magpa BPS.. June 26 na, hindi pa sumasakit ang tiyan ko. pero yung underwear ko, basa na then merong white discharge. hinayaan ko lang yun kase lagi ako nagtatanong na kung paano ba malaman kung pumutok na ung panubigan, marami daw yun pati may kasamang dugo. Eh yung akin wala nman dugo kaya di ko pinansin. July 28, Nagpa BPS muna ako, bago ako pumunta sa lying in. Doon nalaman na mauubusan na pala ng tubig si baby. Tinawagan ko na ung midwife ko, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kasi natatakot na ako baka anong mangyare sa baby ko iyak ako ng iyak.. dahil di na ako kaya paanakin sa lying in binigyan nila ako ng referral sa fabella, kaso di na ako tinanggap. kaya balik ulit kami ng kawit, ayun sa private na ko nagpadala. kasi baka ano pa mangyare sa baby ko. June 29, 2:15am Emergency Cs. Ayun Lumabas na c baby. Super Thankful kasi hindi nya kami pinabayaan ng baby ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Congrats po kahit mejo mahirap pinagdaanan nyo ni baby.. God is good..